Chapter 6
MSCMMRC®2016
========================================================
CHLYDE'S POV:
Nasa byahe na kami pabalik ng maynila. NAkatulog pala kami dun sa kung saang lugar man yun. Kaya mabilisn kaming umalis para makaabot sa dinner.
"Ayos pa ba itsura ko?" Tanong niya. I took a quick glance at her at tumango.
Mabuti nalang at maluwag yung traffic kaya mabilis kaming nakaabot sa mansyon. Mula dito sa labas dinig ko pa yung mga boses nila sa loob.
"Wow, this is your house?" Mahinang tanong niya at pinalibot ang tingin sa mansyon.
"Yeah, tara na gf." Tumingin lang sya sa akin saka naalala, kaya inyos niya yung sarili niya at kinuha yung braso ko at sabay kaming naglakad papasok. Nakita ko pa sina Sam at Saeji na naglalaro ng bola. Si Saeji, anak ni Kuya Shin.
"Samchon is here!" Sigaw ng kapatid niyang si Shae. Naglakad naman kami papuntang sala, si JD naman halatang kinakabahan. Ang dami ba naman namin dito.
"Chlyde, is that her? Oh, she's very lovely." Salubong ni Mommy sa amin at bineso kami.
"Ah yeah. Jayd, this is my family." Pakilala ko nagsitipon naman silang lahat pati mga pamangkin ko.
"Si Kuya Xian yung panganay sa amin at yung pamilya niya, si Kuya Shin at family din niya." Sabi ko at pinapakilala isa-isa silang lahat. NAkakapagod pala, ang dami eh.
"Si Kuya Lem and his family, si Kuya Ben and also his family, si Kuya Sed and Mommy with their family." NApatigil ako ng mapaharap sa akin si JD, naguguuhan ata dahil sa pagpapakilala ko kay Mommy Jes.
"Si Mommy Jes, asawa siya ng Kuya ko. Mommy lang talaga tawag ko sa kanya. Ate ko talaga siya." Tumango naman siya at bualing ulit ang tingn sa kanila.
"Si Kuya Chetster, at ang kambal kong kapatid na hindi magkamukha. Si Kief at Kieth."
"Hello, Im Janna Danica Perote. Nice to meet you all." Pakilala niya. Napansin ko naman na wala si Lolo kaya nagpalinga-linga ako, nakita ko naman siya na kakaabas lang ng kusina at masayang nakatingin sa amin.
"And that's my Grandfather." Nakangiting binati rin siya ni JD at bineso pa. Nagkaron ng konteng kwentuhan ng nadugtungan ng nadugtungan.
"Eto JD oh, specialty ko yan." Abot ni Kuya Bryan ng isang ulam sa plato niya.
"Ahehe. Salamat po."
"So Miss.Perote, i heard you're the one who's managing your company here? By the way how's your parents?" Uminom muna ng tubig si JD bago niya sinagot yung tanong ni Lolo.
"Yes po. Pinadala po ako dito eh, no choice. But, ayos rin kasi nakilala ko si Chlyde. And my parents are fine, sir." Narinig ko pang umubo sina Kuya, pati nga ako nabulunan sa sagot ni JD. She's good ah?
"Pfft..so, anong nagustuhan mo sa kapatid ko Jayd?" Nakangiting tanong ni Kuya Lem at nakangisi sa akin. Napalunok naman ako.
"He's nice, sweet, caring, bolero din. I know that he's good at girls and his habit, but that doesnt change how I feel to him. All I know he truly loves me and i do the same." Natahimik naman kaming lahat, except sa mga bata napatuloy parin sa kinakain.
"Ehem. Thats good,hija. I wish you'll stay strong and longer. I like you for Chlyde." Nakangiting saad ni Mommy at kumain. Ngumiti naman ako sakanya kahit alam niya yung totoo talaga."I really like you for him."
"Wag mo ng pakawalan yan Chlyde, i like her." Sang ayon naman ni Lolo at nagpatuloy sa kinakain niya. Napaubo naman ako sa mga pinagsasabi nila, inabutan ako ni Sammy ng tubig aya ininom ko yun.
Pagkatapos naming kumain pumunta kaming sala, at dahil medyo pagabi na kaya nagsitulugan na yung mga bata pati si Lolo, makakasama kasi sa kalusugan kung magpupuyat.
Naiwan kaming magkakapatid pati ang mga asawa nila. Si Mommy nga iba makatingin sa akin, nang aasar na ewan.
"So JD, kailan mo hihiwalayan tong si Chlyde?" Sabay halakhak nila. Napapailing nalang ako tsaka binato ng unan si Kuya Chester.
"Eh ikaw Kuya, kailan mo liligawan si Ate Lara? Akala ko ba walang torpe sa Exor? Ikaw lang ata Kuya Chester." Balik ko sa kanya. Namula yung tenga niya at pinukulan pa ako ng masamang tingin. Sunod sunod naman yung hiyawan ng mga kapatid ko kay Kuya Chester.
"Sinong Lara, Kuya?" Tanong ni Kief at tumabi kay Mommy Jes.
"Is she my friend? Lara Gamboa?" Mas lalong namula si Kuya at yumuko, mas lalong lumakas yung hiyawan ng mga kapatid ko at panay tanong nila kay JD tungkol sa type ni Kuya Chester.
"Come here JD, may ipapakita ako sayo." Tumayo naman si JD at lumapit kay MOmmy ng may nilabas na album. Wait, what?! Photo album ko yun ah?
"Mom! NO!" Tatayo na sana ako ng pinigilan ako nina Kuya Sed at Kuya Xian.
"Pfahahahaha! Ang cute mo pala nung bata ka Chlyde?" Giliw na giliw pa siyang pinapanuod yung mga litrato ko, napupumiglas nga ako sa kanilang dalawa kaso ang lalakas talaga ng mga Kuya ko.
"Ano po to? Nagmamartial arts po pala sila?" Nacurious naman ako sa mga tinitingnan niya.
"Ah, mga nagtetraining mga yan. Mga self defense lang. " tumango-tango naman siya. Training? Aahhh, baka yun yung time na mga nagtetrain kami, dami kasing nagbabanta sa buhay naming magkakapatid noon eh, kaya nagtetrain kami.
"Its late, i think. Dito ka na magpalipas ng gabi JD, ipapa-ayos ko nalang yung guest room." NApatingin kami kay Kuya Lem.
"Yeah, I agree. Dito ka na matulog JD." Sang ayon naman ni Kuya Chester na nakatingin sa phone niya at napapakamot sa batok niya. "Baka mapano ka pa,mabugbog pa ako ni Lara.." ngumisi ako kay Kuya Chester, nakita niya naman ako kaya umirap siya. Bakla =_= hahaha.
"Ahh...Ayos lang po, uuwi nalang po ako. Baka po kasi nag-aalala rin mga kaibigan ko eh." Umiling lang si Mommy at hinawakan yung kamay niya.
"You'll stay here. And, bakit mga kaibigan mo?" Pati ako nagtataka din, bakit mga kabigan niya lang?
"Me and my friends live in our own house, my parents are in New Zealand."
"Oohh, astig. Pwede bumisita sa inyo?" Napatingin kami kay Kuya Chester na nagtatakang napatingin pa sa amin.
"Pwede naman, bibisitahin mo si Lareng?" Direktang tanong ni JD, tumawa naman ako ng mamula yung pisngi ni Kuya. Pati tuloy ang iba nagsitawanan din.
"Asa! HIndi ko bibisitahin yung tomboy nayun, gusto ko lang makita bahay nyo." Depensa pa niya, ngumisi lang si JD at napatango nalang.
"Alam mo, si Lara yung nag-isip ng desenyo ng bahay at yung mga structures. Tumulong lang kami, ang galing nga niya eh. Abogasya yung natapos pero may talent sa pag-iisip ng design ng bahay." Patuloy pa ni JD, tumango-tango naman siya at gustong-gustong makinig sa kwento ng kasama ko.
"She's cool, we should meet her then. Can you invite her, Chester dear?" Napalunok naman si Chester. Basta si Mommy nagrequest hindi makahind yan eh, actually kaming lahat. Tiklop kami dyan kay Mommy.
========================================================