Chapter One

942 Words
Flashback, year 2003. Sa Tondo. "Sige lumapit ka! Tignan natin kung mabuhay ka pa!" ang sabi ng lalaki na may hawak na kutsilyo. Tinawanan lang siya ng lalaki kung saan nakatutok ang patalim. Nilabas nito ang isang baril. "Hayop ka Madrigal! Hindi ka marunong lumaban ng patas!" "Wala akong pakialam sa walang kwenta mong buhay." handa na nyang kalabitin ang gatilyo ng baril ng biglang may pumigil sa kanya. "Anton! Ginigiba na ang bahay ni Aling Nena!" ang sigaw sa kanya ni Oscar. "Ano?!" ang sabi ng lalaki na may patalim. At agad na umalis. "Tara!" ang yaya ni Anton. "Papatayin mo talaga si Julius?" ang hingal na tanong ni Oscar habang tumatakbo. "Hindi kawalan ang isang katulad niya." "Pero bakit hindi mo pinutok ang baril?" Hindi siya sinagot ni Anton. - Anton "Umalis na kayo dito! Hindi sa inyo ang lupa na ito!" ang sigaw ng pulis na may dalang megaphone. "Umalis na kayo! Hindi kame papayag na gibain niyo ang mga bahay namin!" ang sigaw ni Aling Nena. Bigla siyang tinulak ng pulis. "Tumahimik ka tanda!" nagdilim ang paningin ko. Agad kong sinugod ang pulis at pinagsusuntok. "Pati matanda pinapatulan mo! Hayop ka!" ang sigaw ko habang patuloy sa pagsuntok sa kanyang duguan na mukha. Naramdaman ko naman ang mga tao sa paligid ko na sinugod na din ang mga pulis. Magkamatayan na, iyan ang kasabihan dito sa amin. Hindi namin ibibigay ang gusto nila.. Ng tapos nako sa pulis agad kong binato ang isang puting sasakyan na lulan ng taong nasa likod ng lahat ng ito. Basag ang salamin nito sa unahan. Lalapit sana ako ng biglang may sumuntok sa akin na pulis. Bumagsak ako sa lupa habang pinagpapalo ng batuta. Tumingin ako sa paligid ko at nakita ang aking mga kasamahan na pinagpapalo at binubugbog ng mga pulis. Nakita ko din si aling Nena na nakahandusay sa lupa at may dugo sa noo. Muling nandilim ang paningin ko at agad na nilabas ang tinatago kong baril at pinaputukan ang pulis na bumubugbog sa akin. Tinamaan siya sa balikat. Tinutok ko ang baril sa nakahandusay na pulis. "Huwag" ang tangi niyang nasabi habang nakaharang ang dalawang kamay sa mukha. Anong huwag? Siraulo ba siya. Matagal tagal na din ng huli akong pumatay ng isang walang kwentang tao. Handa ko ng iputok ulit ang hawak kong baril ng biglang may bumabang babae sa kulay puting van na binato ko kanina. "Tama na iyan!" ang sabi niya habang umaagos ang luha sa kanyang magandang mukha. - Year 2022 Georgia's Party Vianca's POV Nagpunta nako sa cr para magpalit ng damit. "Georgia don't be silly. I don't like that arrogant senator." narinig ko ang boses ni Ate Sofia. Nakupo patay ako nito. "Oh please Sofie, I know that you like him." ang sabi ni Georgia.. Wow, sino kaya yun? "My step brother is the youngest senator in the record and one of the richest bachelor in the Philippines." May halong paghanga ang pagkaka describe ni Georgia sa step brother niya. Sino kaya yon? Ngayon ko lang nalaman na may step brother pala si Georgia, hays hindi naman kase ako nanunuod or nagbabasa ng balita eh. Baka eto yung usap usapan ng mga maids namin way back 2004 na scandal ng mga Alonzo. "You can't teach my heart, Georgia." ang makahulugang sagot ni Ate Sofia. "I know what you want, Sofie. And you can't have it with that cheap low-income soldier." ang mapang uyam na sabi ni Georgia. At narinig ko ang paglabas niya ng cr. Naramdaman ko naman ang pagpasok ni Ate Sofia sa isang cubicle. Agad akong lumabas para hindi niya ako makita. Paglabas ko ng cr ay pinatinginan ako ng mga tao sa paligid. Siguro dahil sa suot kong plain white dress na walang wala sa kumikinang nilang gown. Hindi din makapal ang make up ko kaya bumagay lang din ang ayos sa aking kasuotan. Papunta na ako sa table ng biglang tinawag ang isang senador. Namumukaan ko siya, teka eto yung bumangga sakin eh.. "To give his warm message to Ms. Georgia may I call his only sibling, Senator Anton Alonzo." ang masiglang tawag ng host. Umakyat naman ang lalaki sa stage, matikas at matipuno ito at may dala pa ding alak. Nagpatuloy ako sa paglalakad papuntang table ko "Good evening, ladies and gentlemen. I just want to..." Natigilan siya sa pagsasalita at natigilan din ako sa paglalakad ng tumapat sakin ang spotlight. "You.." ang mahinang bigkas ng lalaki sa stage na ngayon ay nakatingin sakin. "Ako?" ang bulong ko at pasimpleng tinuro ang sarili. "Vianca! What are you doing!" ang galit na turan ni ate Sofia at hinila ako papuntang elevator. Narinig ko din ang boses ni ate Elena na parang pinapakalma si ate Sofia. "Ano bang problema mo? I bought you a gown para may masuot ka tonight pero ayang pesteng white dress na yan ang susuotin mo?!" ang galit na sambit ni ate Sofia. Napatingin naman ako kay ate Elena at sa 3 body guard na kasama namin. "Sorry ate, nabasa kase ng champagne yung gown ko kaya nagpalit ako." ang paliwanag ko habang nakatungo. Nakakahiya. "Sofia, enough. Bumalik ka nalang sa party uuwi na kame ni Vianca." ang presinta ni Ate Elena. Ramdam ko ang matalas na tingin ni ate Sofia sakin. "Remember this, Vianca. I will make sure that you will not have everything that you want. You selfish bratt." ang maanghang na pahayag ni ate Sofia bago tuluyang umalis sa elevator. Naiwan ako kasama ni ate Elena at hindi ko na napigilan ang umiyak. Ate Sofia's words really cuts deep, and I really don't know how can I fix my relationship with her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD