Ashley Lumipas ang ilang ilang araw, at wala na akong Andrew na nakita pang bumisita sa aking shop. Nalulungkot ako dahil si Andrew na lamang ang natitira kung kaibigan na meron sa akin. Abala ako sa paggawa ng cookies ng biglang mag-ring ang aking cellphone. "Hello?" Hindi naka-registered ang number na tumawag sa akin, unknown caller. "A-ash..." Bigla akong kinabahan dahil alam ko kung kaninong boses ito. "T-tulong...May pumasok sa b-bahay." Si Andrew, hindi kaya si Amber na naman ang may gawa noon. Muntik ko ng makalimutan si Amber. "Andrew? Anong nangyari sayo?" Bakas sa akin ang pag-aalala. "S-si Amber, b-binantaan niya ako...tulong please A-ash." Alam kung nahihirapan ito dahil sa pamamaraan ng pananalita nito. "Sandali, pupuntahan kita dyan sa inyo." Bago ko iyon sabihin ay

