Ashley "Hello ma'am Ashley." Nakangiting salubong sa akin ng secretary ni Luke, gumanti naman ako ng ngiti rito. "Hello Bianca, Ang sir Luke mo narito ba?" Pagtatanong ko sa kaniya. "Ah wait lang po." Tinignan naman nito ang isang papel na kung saan nakalagay ang mga appointments ni Luke sa araw na iyon. "Ah ma'am Ashley, may meeting siya ngayon pero patapos na din baka nasa kaniyang office na si sir o baka papunta pa lang, hindi ko na kasi namalayan kung napadaan siya rito dahil ang dami pinapagawa sa akin." Natatawa nitong sabi. "Okay lang, sige hihintayin ko na lang siya kung ganon, and by the way Lena just call me Ash." Nginitian ko na lamang ito bago ako nagtungo sa opisina ni Luke. Akma ko na sanang bubuksan ang pinto ng may narinig ako. Mas idinikit ko ang aking tenga sa pint

