Ashley Napahagolgol ako ng masilayan ko sina tito at tita na ngayon ay payapang nakahiga sa kabaong. Hindi ko nakakayanan na makita sila sa ganoong estado, nakaramdam ako ng galit kay Amber, bakit kaybilis para sa kanila ang pumatay. Inosente sina tito at tita, walang ibang hinangad kundi magkaroon ng masayang pamilya at makasama ang mga app na nais nila. "Hindi nila deserve ito ate. Sila ang naging pangalawa kung mga magulang." Kasama ko ngayon sina ate, pati na rin sina mom at dad. Kararating lang namin kanina sa bahay galing hospital para magamot ang sugat ko ng dumating sina mom at dad, pinili ko rin na huwag sabihin ang totoong nangyari, tinutulan ako ni ate, pero wala itong nagawa noong nagmakaawa ako sa kaniya. Nang matapos ko silang tignan ay naupo na lamang kami sa gilid, wal

