Episode 24

1197 Words
Ashley Napabangon ako ng maramdaman kung nasusuka ako, hindi ko alam pero napahawak ako sa aking sinapupunan. Hindi kaya buntis ako. Agad akong lumabas ng kwarto ng makarinig ako ng malakas na pag bukas ng pinto, na sinadya talaga itong buksan ng malakas na kahit na sinuman ay mabibigla. "I've been searching for you! Whether you like it or not we're going home!" Ramdam ko ang malakas na awtoridad nito sa pananatila at ramdam ko din ang galit nito sa bawat katagang binibigkas nito. "Hindi ako sasama okay! Pwede ba tigilan mo na ako!" Sigaw ko sa kaniya pero hindi ito natinag, bagkus lumapit ito sa akin at binuhat ako ng para bang isang sako ng bigas. Pinipilit kung makawala pero mahigpit ang pagkahawak nito sa akin. "Ano ba! Bitawan niyo siya!" Pag angal ni Andrew, susunod pa sana ito pero agad naman siyang sinikmuraan ni Aro kaya nakita ko na lamang itong nakahandusay na sa sahig. Pilit padin ako na makawala pero mas hinigpitan niya lamang ang pagkakahawak sa akin hanggang sa maisakay na ako nito sa sasakyan. Ngayon ay nasa likod kami ng sasakyan nakasakay samantalang si Jacob at Aro ay nasa unahan, roon ko lang din napansin na hindi nila kasama si Edward. Tahimik lang ang buong byahe ni isa ay walang nagtangkang magsalita, at wala din naman akong balak na makipag-usap pa. Lumayo ako kay Luke at mas siniksik ang sarili ko sa gilid ng pintuan, nakita ko na tumingin ito sa akin. Hindi ko man harapin pero nakikita ko ang galit nitong mukha na sa isang iglap ay maari na itong magwala pa dahil sa galit niya. Ngunit hindi ko iyon pinansin, bagkus itinuun ko ang aking atensyon sa aming dinadaanan. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din kami sa bahay. Agad silang nagsi labasan sa sasakyan at ako na lamang ang hinihintay na lumabas. Pero wala akong balak na lumabas, nanatili lang ako sa loob ng kotse. "Ash! Don't let me to force you to go out." Nagbabantang tinig ni Luke, pero hindi ko ito pinansin at nanatili padin ako sa aking pwesto. Nagulat ako ng isara nito ang pinto ng sobrang lakas mabuti na lang at hindi nasira ang pinto nito dahil sa lakas ng pagsarado na ginawa ni Luke. Nakita kung umalis na sila, pero wala padin akong balak na sumunod sa kanila. "Aahh!" Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto sa pwestong kinaroroonan ko mabuti na lamang at nasalo ako ni Luke dahil kung hindi tiyak na sa lupa ang bagsak ko. "Don't underestimate me Ash. You know what I'm capable of." Sabi nito sa akin saka ako binuhat papasok sa bahay. "Ano ba! Ibaba mo na nga ako!" Halos boses ko na lamang ang naririnig sa loob ng bahay hanggang sa tuluyan na kaming nakapasok. "Bro! Mauuna na kami, It's good to be back Ash!" Nairap na lamang ako sa kanila, hindi ako natutuwa na nagbalik ako rito. Nang makaalis sina Aro, ay niyaya ako ni Luke na kumain pero tumanggi ako at agad na nagpunta sa aming kwarto. "I can explain everything Ash." Pauna nito ng makapasok siya sa aming kwarto. "It was all set up." "Enough with your lies Luke. Paulit ulit na lang. Di ka ba naawa sakin, paulit ulit mo na lang akong sinasaktan." "I didn't mean to, at wala akong balak na saktan ka." Lumapit ito sa akin pero lumayo lang ako sa kaniya. "Alam mo ba kung ano ang napala ko sa relasyong ito! puro pasakit!" "That's why I bring you back, para makabawi ako sayo. Please love, don't leave me." "Ayoko na! Ayoko na Luke! Pagod na pagod na ako! Lagi mo na lang akong sinasaktan at paulit ulit ka lang din na hihingi ng kapatawaran, pagod na ako! Maawa ka naman saakin pakawalan mo na ako!" "No! No! Galit ka lang kaya mo nasasabi yan!" "Ni galit ako o hindi ayoko na! Pagod na pagod na akong mahalin ka! Paulit ulit na lang! Simple lang naman ang gusto ko, ang mahalin ako hindi ang saktan! Pagmamahal ang gusto ko Luke hindi pasakit!" "Why don't you want to believe me, Ash na set up ako. Plano lahat to ni Amber! Gusto niya na masira tayo, gusto niya na masira buhay ko. But I won't let that happen, kahit ipagtabuyan mo ako di ako susuko, napagdaan ko na sayo uli ito, and I'm always raedy to win you back again." Pagkatapos nitong sabihin ang mga katagang iyon ay lumabas ito ng aming silid. Napatingin ako sa pinto ng may pumasok na katulong may dala itong pagkain. Inilapag nito ang laman ng tray sa mesa at saka may inabot sa aking envelop, at sinabi niya sa akin na tignan. Nakita ko na mga larawan ito ni Amber at ng babaeng sinugod si Luke, kuha ito sa CCTV footage na tila nag uusap ang dalawa. Nakalagay roon ang mga larawan hanggang sa umalis si Amber at tanging ang babae na lamang ang natira sa lamesa. "Totoong na set up lang siya." Bulong ko sa aking sarili. "T*ng i*a!" mura ko sa aking sarili. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng hiya dahil sa nangyari, di ko alam kung paano ko sisimulan. Naging katatawanan sa akin ang ginawa kung pagtakas at pag alis sa bahay. Halos masira ko ang mga kobyertos na hawak ko dahil sa higpit ng pagkakahawak ko. Nakaramdam ako ng hiya para sa sarili. "Ang dami dami kung sinabi, ang dami kung ginawang kagagahan. Aba! Malay ko ba, nilamon ako ng sarili kung galit." Nagmukha akong siraulo dahil sa ginagawa kung pakikipag usap sa aking sarili. Maghapon lang akong nakahiga sa kama, at nag iisip kung papano ko aayusin ang kagagahan na ginawa ko. Nabuo ang kahihiyan sa loob loob ko. Napatingin ako sa orasan at malapit na ang pananghalihan na ibig sabihin ilang minuto na lng ay makikita ko ulit si Luke. "Ma'am, pinapunta po ako ni Sir Luke para padalhan ka ng pagkain." "Andyan na ba siya?" tanong ko sa kaniya. "Hindi po siya umalis ma'am. Sige po ma'am tawagan na lang ako pag may kailangan ka" Nginitian ko na lamang ito hanggang sa makaalis na. Hindi pala ito pumasok sa kaniyang trabaho. Napasalampak na lang ako sa kama at napapailing sa katangahan ko. Di ko naman masisi ang sarili ko, sinong di magagalit sa ganoong eksena! Kahit na set up yon, lalo kung di mo naman alam na set up. Napalingon ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Luke. Nagkatinginan kami ng matagal, hindi man nito sabihin sakin ang nais niyang sabihin pero nabasa ko ito s pamamagitan ng kaniyang tingin na tila nagsasabi ng naniniwala ka na sakin. Pero hindi ako nagsalita nanatili lang akong nakaupo at itinuon ang atensyon ko sa sahig. Ramdam kung uminit ang aking mga pisngi, sa mga oras na ito gusto ko na lamang na lamunin ako ng pwestong kinaroroonan ko. "D*mn! My wife such a beautiful lady yet crazy." Napairap na lamang ako sa inis hanggang sa makalabas ito ng tumatawa, tila mas gustong gusto ako ngayon na asarin nito. Sa isang iglap, mukhang nabaligtad ang sitwasyon. Imbis na galit ang maramdaman ko, kahihiyan ang namumukod tangi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD