Episode 8

2018 Words
Ashley "Please love. Ayaw ko ng nakukulong ako lagi dito. Payagan mo na ko sa gusto ko." Pangungulit ko sa kaniya. Nais kung magpatayo ng isang coffee shop at gumawa ng cake. Pero iginigiit nito na mas gusto niyang nasa mansyon lang ako. Pero hindi ako pumayag sa kadahilaan na mababagot ako. Paano sa maghapon na pananatili ko dito ay wala akong ibang ginawa kundi ang gumising ng umaga, kakain, manunuod, matutulog, maghihintay kay Luke. Halos paulit ulit na ganon, kahit sabihinb kompleto na lahat dito, syempre iba padin pagnasa labas. Gusto ko din naman na may iba akong pagkakabalahan. Isa pa ayaw kong umasa lagi kay Luke. Kahit sabihin na natin na mabubuhay na ako nito kahit di na ako tutulong sa negosyo, iba padin iyong may sarili kang pera na masasabi mong iyo talaga. Dahil mas masarap ang ganoon kung pinaghirapan mo ang pera na ginamit mo pangbili sa mga bagay na gusto mo. Ayaw kung lagi na lang akong aasa sa kaniya. "Please." Ulit ko ng hindi pa din ako nito kinikibo. Pero kahit anong gawin kung pagpapacute at pagpilit ay hindi ako nito pinagbigyan sa aking gusto. Sa inis ko ay padabog akong umalis sa aming kwarto at nagtungo sa terrace. Naba-badtrip ako dahil sa pagiging over protective nito. Wala naman mangyayari sa akin, ano bang trip niya para ikulong ako dito. Bakit may mga kaaway ba siya na gusto mangpahamak sa akin. Sa tingin ko naman ay wala eh. Isa pa, may mga bodyguards naman, maari naman niya itong utusan para bantayan ako. Okay na sa akin iyon kesa ang makulong sa mansyon ng mag-isa sa maghapon. "Kainis." Usal ko dahil sobra akong naasar kay Luke. Naramdaman ko ang biglang pagpulupot nito at binigyan ako ng halik sa aking leeg. Pero hindi ko ito pinapansin. "Babe." Hindi ako humarap kahit na pinipilit ako nitong paharapin sa kaniya. Manigas ka! "Babe." Muli nitong tawag sakin pero hindi ko padin ito binabalingan. Nabigla ako sa pwersahan nitong pagpihit sakin papaharap sa kaniya. Binaling ko ang aking mga paningin sa mga bulaklak na nasa gilid ng terrace. "Babe, don't be mad. I'm just worried everytime you were outside that's why I wont allow you to go outside." Ramdam ko ang matindi nitong pag alala, pero para saan. Hindi ba't parang masyado namang pagprotekta iyon. "I'm not. Magiging maayos naman ako babe." Matinding iling ang sinagot nito sa aking pahayag. Napanguso ako dahil hindi ata ako mananalo sa kung ano ang gusto kung gawin. Ito ang isa sa mga bagay na hindi ko gusto kay Luke. Minsan hindi siya pumapayag sa mga bagay na gusto kong gawin. Naiinis ako. "Just stay here babe." Matinding buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako kumawala sa mga bisig nito. "Kung ayaw mo kong payagan edi wag." Mahihimig roon ang matindi kung pagtatampo. Akma sana ako nitong lalapitan pero agad ko na itong tinalikuran at umalis ng kwarto. Bahala ka diyan! "Lahat na lang ng gusto ko di pwede! Pero pag siya! Hayss" Inis akong nagdadabog habang naghahanda ng makakain. "Di ka makakaisa saking bwisit ka!" Halos madurog na ang hinihiwa kung patatas dahil sa matinding inis na nararamdaman ko. Napasinghap ako ng may biglang yumakap sa akin mula sa likod. Rinig ko ang buntong hininga nitong pinakawalan. "Fine. Just don't get mad babe." Agad akong napaharap sa kaniya at binigyan ito ng matamis na halik dahil sa sobrang tuwa na naramdaman ko. Finally, akala ko hindi na talaga ako papayagan, effective pala magtampo kahit papano. Sa kabila ng ganoong ugali nito, itong ugali na ito ang gusto ko sa kaniya, hindi ako nito matiis. ***** Narito kami ngayon sa isang maliit na gusali na binili ni Luke. Sinabi nito na siya na ang bibili ng pwestong pwede kung gawing coffee shop. Hindi na ako umangal dahil baka hindi na ito pumayag sa gusto ko. Sakto lang naman ang lawak nito, at maayos pa. Konting pag aayos at pagpalit ng pintura ay mas maganda ng tignan. "You like it?" Tanong nito habang nakapatong ang ulo sa aking balikat. "I love it." Sagot ko sa kaniya. May mga dumating na rin na mag aayos at magdedesenyo kaya tauhan na lang ang problema. Pero hindi na problema iyon dahil madali lang naman iyon. Mabuti na lang at pumayag na si Luke sa gusto ko. Sa anomang oras ay maari akong magpunta rito lalo na kung bored ako sa bahay. Napatingin ako kay Luke ng may tumunog ang telepono nito. Nasulyapan ko kung sino ang tumawag. Black. Muli ay lumayo ito sa akin upang sagutin. Pero imbis na pagtuunan ko iyon ng pansin ay hindi na lang muna. Dahil natutuwa ako sa aking coffee shop. "Babe, I need to go to office. Let's go, hatid na muna kita." Umiling naman ako sa sinasabi nito. "Hindi na babe. Gusto ko muna makita ang ayos ng coffee shop. Isa pa may mga bodyguard naman ako rito. I'm fine babe." Pero parang hindi ito sasang ayon sa akin dahil nakita ko ang pag aalala sa mukha nito. "Babe, I'll be fine." Muli kong paninigurado. Bumuntong hininga muna ito at saka sinenyasan ang limang bodyguard na lumapit sa amin. Sinabihan nito ang mga bodyguard at muling tumingin sa akin. Ginawaran ako nito ng halik sa noo bago umalis. Nang makaalis si Luke, at naiwan na lamang ang mga trabahador at taga disenyo kasama na rin ang mga bodyguard na pinaiwan ni Luke sa akin. Nasa 5 pm na nang matapos at maayos ang lahat. Kunti lang naman ang inayos dahil wala naman problema sa gusali na iyon. Iniayos na rin ang mga gamit sa loob. Pinalagyan ko rin ito ng mini library mas magandang tignan. Mabuti na lang at may mga libro na kaming nabili ni Luke dahil kasama naman talaga ito sa plano ko. 6pm na ng gabi kami nakabalik sa mansyon. Ngunit wala pa si Luke kaya naman naisipan ko na lamang itong ipagluto ng paborito nitong pagkain. Napatingin na ako sa oras, mahigit tatlong oras akong naghanda, pero wala pa din si Luke. Kaya nagtungo muna ako sa aming kwarto upang manuod. Doon ko na lamang siya hihintayin. ***** "Any update about her?" Anas ng isang babae na nakaupo sa kaniyang swivel chair habang umiinom ng alak. "Bumalik muli siya sa mansyon ng mga Del Valle. Bantay sarado ito, ganoon din ang bahay nito. Tila walang ibang nakakapasok kahit na sino." Pahayag ng lalake. Kinumpas nito ang kamay na hudyat iyon para lumabas na ang lalake. Napahawak ito sa isang litrato, isang butil ng luha ang nalaglag sa mga mata nito. Nakaramdam siya ng matinding galit sa mga oras na iyon. "Maghintay ka Del Valle. Ipapalasap ko sayo ang pakiramdam ng mawalan ng minamahal." Galit nitong usal bago nilagok ang wine nitong iniinom. ***** Na alimpungatan ako ng may humahaplos sa aking mukha. Nang maimulat ko ang aking mga mata ay ang naka ngiting mukha ni Luke ang bumungad sa akin. Ginawaran ako nito ng halik bago magsalita. "Some of our friends are here babe." Usal nito bago ako hinila papatayo. "And change your clothes." Sabat muli nito. Nakasuot lang naman kasi ako ng long sleeve na puti at halos kita rin ang suot kung bra sa loob, na kung tutuusin ay polo iyon ni Luke nakabukas pa ang dalawa nitong butones at maikling short shorts. Napa-irap naman ako sa naging pahayag niya. Possessive as ever. Pero imbis na magpalit ay hinila ko na lang siya papalabas ng kwarto. Nakita ko ang pag iba ng timpla ng mukha nito dahil sa ginawa kung pagsuway. Hinalikan ko lamang siya sa labi ng mabilis na siya namang ikina ngiti niya agad. Tsk. "Asan na ang inumin Del Valle! Naghihirap ka na ba at wala ka man lang maipainum samin!" Bungad sa kaniya ni Aro na ngayon ay prenteng nakaupo sa sofa. "Bakit sila narito?" Bulong kong tanong kay Luke. "Mang iistorbo." Asar nitong sabi sa akin. Napailing na lang ako sa naging reaksyon nito. Simula pagkabata ay nagkakasama na sila kung kaya't naging normal na ang akto ng bawat isa. Ngunit si Luke lamang ang kakaiba, dahil kung titignan sa kanilang magbabarkada ay siya ang laging nakabusangot at seryoso ang mukha. Mabuti na lamang at natatagalan siya ng mga kaibigab o sadyang nasanay na rin sa paraan ng pakikitungo nito sa kanila. Ganoon man siya tignan, ay mapagmahal naman ito sa mga taong mahal niya. "Ang harsh mo talaga Luke ah. Agawin ko sayo iyang asawa mo eh." Pang aasar naman ni Edward. Si Edward ang pinaka close ko sa lahat dahil sa tuwing may problema kami noon ni Luke siya ang takbuhan ko. "Ed, you're here!" Ang alam ko ay nasa US ngayon ito. Kaya naman na excite ako ng makita ko ito. Binigyan naman ako nito ng mahigpit na yakap at halik sa noo. Pero bigla napabitaw si Ed dahil sa biglang pag alis ni Luke ng kamay nito sa akin na nakayap. Kahit kailan talaga! "Aaraayy. Depungal ka Del Valle, parang yakap lang naman sa lil sis ko!" Sapo nito ang tenga na namumula dahil sa ginawang pag ikot ni Luke rito. Tinignan ko siya ng masama pero binigyan niya lng ako ng don't look at me like that na tingin. Napailing na lang ako sa pagiging seloso nito. "Ano bang ginagawa niyo rito?" Tanong ko sa kanila, ewan bat bigla sila ngayon nandiritong lahat. Hinapit ako ni Luke papalapit sa kaniya bago ito magsalita. "We will discuss something important babe." Napakunot naman ang noo ko dahil wala akong idea kung ano iyon. " Hmmm. Sige babe, ihahanda ko lang makakain natin." Agad na rin akong nagtungo sa kusina para initin ang pagkain para na rin ihanda ito. ****** Nang matapos ang mahaba naming pagkain dahil sa mga ginagawang pang aasar nila kay Luke. Mabuti na lamang at naroon ako para pakalmahin si Luke. Knowing Luke, madali lamang siyang mainis. Matapos ko ayosin ang lahat ay nagpasya na lamang akong pumunta sa kwarto dahil may mahalaga pa atang pag uusapan ang mga lalake kaya mas minabuti ko na lamang na magtungo sa aming silid. Hindi ko din naman hilig na makinig sa usapan ng iba, di aki chismosa nuh. ***** Mahigit isang oras na akong naghihintay kay Luke. Hanggang sa nainip ako, naisipan ko na lamang na magtungo sa kusina upang kumuha ng gatas. Habang patungo ako sa kusina ay rinig na rinig ko ang seryoso nilang pag uusap. "May update na ba si Black sayo?" Pagtatanong ni Edward. Black. Iyon ang laging tumatawag kay Luke, na kinakailangan pang lumayo sa akin bago sagutin. "Yeah. Napag alaman na anak siya ng Dela Questa na iyon." Sagot naman ni Luke. "Kung ganon tama ang hinala ko. She's here to avenge her father." Usal naman ni Aro. "Puntirya nito ang mga taong mahal mo sa buhay. Lalo na si Ash." Napakunot ako ng noo ng marinig ang pangalan ko. Sino ang naghihiganti? Bakit ako nadamay? Ano ba ang pinag uusapan ng mga ito. "Planado niya ang lahat, simula umpisa." Patuloy ni Aro sa kaniyang sinasabi. Ano ba ang nangyayari, ano ba ang pinag uusapan nila. May problema ba si Luke na ayaw niyang malaman ko. "Natatakot ako para kay Ash. Nadadamay siya sa ganitong sitwasyon ng wala siyang kaalam alam." Muling usal naman ni Edward. "That's the reason I want her to stay here. That person always follow her wherever she goes. Lagi itong nagpapadala ng litrato ni Ash, everytime I'm not with her." Sino ang tinutukoy ni Luke. Ako? Sino ang nagmamanman sa akin. Naalala ko noong nagmall kami ni mom. Na tila may nagmamanman sa akin. Iyon ba ang tinutukoy ni Luke? Tama ba ang iniisip ko? Pero bakit? Anong kasalanan ko? Anong kasalanan ni Luke? "Don't worry, Magaling si Black. What more important is, masiguro nating ligtas si Ash. Dahil higit sa lahat si Ash ang punterya nito. Pupunteryahin ang kahinaan mo Luke." Pahayag naman ni Aro. "D*mn it! I wont let that happen! Hindi ko hahayaan na makalapit siya sa asawa ko! I'll do all things just to protect her." Galit na usal ni Luke. Me? But why? May gustong pumatay sakin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD