Ashley Nang tuluyan na kaming makapasok sa loob ng bahay ay ipinasok ako ni Andrew sa isang sekretong kwarto dahil tila ang pinto nito ay bookshelfs. "A-andrew please, tigilan mo na ito. Nagsasabi ako ng totoo, walang kasalanan si Luke sa pagkamatay ni Annie. Ang kapatid mo mismo ang pumatay rito!" Sasampalin sana ako nito pero hindi niya iyon ginawa. "Sinungaling! Naging sakim si Luke at pinatay niya si Annie, natuklasan nitong isa siyang mafia! Balak nitong isawalat ang sekreto nito, kaya mas pinili nitong patayin si Annie!" Napapailing ako dahil sa sinabi nito. "Hindi iyan totoo! Ginahasa ng kapatid mo si Annie saka niya ito pinatay!" Natigilan ito dahil sa sinabi ko. "Maniwal ka Andrew, nagsasabi ako ng totoo." "Liar..." Mahina iyon pero sapat upang marinig ko. "Sinabi sa akin ng

