Ashley "Congratulations!" Nang matapos ang seremonya ng kasal ay nagtungo na kami sa reception, iyon ay sa mismong resort nina Edward. "Maraming salamat sa mga dumalo ng aming kasal. A big thanks, specially to our both parents and to my best friends here. Wala na akong ibanh masabi pa kundi ang thank you ng marami." Matapos ang maikling speech ni Edward ay nagsimula na rin ang event. "Okay, ang pinakahihintay ng lahat. To all ladies out there, sa mga may gusto magsilapit kayo rito. Most awaited part, the brides throwing of her bouquet." Hindi ako nakasali kahit na gusto ko, bawal daw sabi ng asawa ko. Umiral na naman ang pagiging protective nito sa akin, kaya sa huli nanuod na lamang ako. "Marie! You go girl!" Si Marie ang nakasalo ng bulaklak. "Ang galing naman ni ate girl, ikaw ang

