Episode 1

3377 Words
Ashley "Salamat." Usal ko sa isang customer ko bago ito umalis. Pagtitinda ng iba't ibang cakes ang naging hanap buhay ko, sa maliit na shop ng kaibigan ko na aking inuupahan. Hindi ito gaanong kalaki ngunit sapat na din para makapag-umpisa ako. "Sabi ko naman sayo, magiging mabenta ang mga gawa mo." masayang pahayag ni Amber. Si Amber ang pumulit sakin na magtayo ng munting cakeshop para kahit papano ay maiwaglit ko ang aking isipan sa napakasakit na nakaraan ko. "At salamat sa pag udyok sa akin." Sa loob ng anim na buwan bago kami naghiwalay ng ex-husband ko, si Amber ang naging karamay ko. Siya ang tumulong sakin para umahon, dahil wala naman na akong ibang mapupuntahan. Ulila na kong lubos, bata pa lang ako ay namatay na ang mga magulang ko. Pinagpasa-pasahan ako ng mga kamag-anak ko at noong pagtungtung ko sa college ay nagsarili na ko sa pagpapaaral sa sarili ko. Hanggang sa ako ay nakapagtapos, at lumuwas dito sa Manila. Sa mga panahong walang wala ako doon ki nakilala si Amber at siya ang tumulong sakin na makapasok si pinagtra-trabahuan nito at hanggang sa naging matalik ko na siyang kaibigan. "Ikaw ba Ash, wala ka na bang balak magkanobyo? Sayang ang ganda mo kong hindi malalahian." Natatawang wika niya. Natawa naman ako sa sinabi niya. Sa sitwasyon ko ngayon, hindi pa ako handa at higit sa lahat ayaw ko na ring makaranas ng sakit dahil sa pag-ibig. "Hindi pa ako handa sa ngayon, at isa pa, masaya na ako sa buhay na meron ako ngayon. Isa pa andyan ka naman na nakakasama ko kahit papaano." "Hay nako! Iba din ang pakiramdam ng may nobyo! Bakit ba hindi mo na lang pagbigyan si Andrew. Mayaman na gwapo pa, masarap pa at higit sa lahat mabait, halos lahat ata ng magandang katangian nakuha na niya!" "Maghunos dili ka, may asawa ka na't ganiyan ka parin!" Sita ko sa kaniya. "Alam mong kaibigan ko lng si Andrew, at isa pa hindi ko siya type!" Napapailing na lang ako sa mga pinagsasabi ng kaibigan ko. Kahit kailan hindi sumagi sa isipan ko na magkagusto sa lalakeng kaibigan ko na si Andrew. Ilang beses man niya ako ligawan noon at ngayon, ay hindi ko magawang suklian ang pagmamahal na binibigay niya, lalo na't may nagmamay-ari na nito, ayaw kong gumamit ng ibang tao para lang makalimot, hindi ko ugali na magpaasa at manakit ng kapwa ko. Pinagpatuloy ko lang ang pagde-design ng cake habang walang tigil sa pananalita si Amber. Nasanay na rin naman ako sa pagiging mabunganga niya. Napatingin ako kay Amber ng bigla siyang tumigil, at maski ako ay napatigil sa aking ginagawa. Luke. Nanigas ang buo kong katawan ng nasalubong ko ang kaniyang mapupungay na mga mata na tila ba'y kumikislap ng makita ako. Tama ba ang nakikita ko? Ngunit mas lalo akong napatitig sa napakagwapo niyang mukha. Na sa tagal ng panahon na hindi kami nagkita ay mas naging gwapo ito ngayon. Kaytagal kong hindi pinagmasdan ang kaniyang mukha, at hindi ko gusto ang naging tugon ng aking katawan dahil nais kong tumakbo upang siya'y hagkan at mahalikan ang kaniyang mapupulang labi. Hindi ko ikakaila, I missed him so damn much. D*mn it! Mura ko sa aking isipan. Hanggang ngayon ay ganon pa rin ang epekto niya sakin. Mas malakas nga lang ngayon dahil siguro mas naging matipuno ang kaniyang pangangatawan at mas nakakaakit ngayon. Sa tagal na hindi kami nagkita lubos-lubos ang pangungulila ko sa kaniya. Napansin ko din na mas naging maganda ang hubog ng katawan niya. Mas lalong naging makisig ang katawan niya sa suot nitong black pants at plane white T-shirt na halos bumakat ang makisig niyang pangangatawan. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko habang nakatitig ako sa kaniya. Then it hit me, happy memories and pain flash on my mind, and I hate myself for saying that I missed this guy who's standing in front of me while smiling at me na tila bang sabik na sabik din ito sa muli naming pagkikita. "Hi there...wife." Hindi ko narinig ang kaniyang huling sinabi. Imbis na sumagot ako ay tumalikod ako para ipagpatuloy ang naudlot kong gawain. Ayaw kong ipakita sa kaniya ang pangungulila ko. Napapamura ako sa aking isip dahil sa naging tugon ko ng makita ko siya. Halos nangangapa ako sa aking isipan, naghahanap ng tamang kilos kung paano ko ba siya pakitutunguhan. Hindi ako natutuwa dahil maaring lumambot ako ng wala sa oras. Isa pa hindi naging maganda ang paghihiwalay namin, kung kayat labis na lang din ang pagtataka ko na siya ay nasa harapan ko ngayon. "Are you not going to welcome me?" Hindi ko alam ngunit nakaramdam ako ng inis, lalo na't sumagi sa aking isipan ang nangyari sa aming dalawa. "Welcome your face!" Halos pabulong kong sabi na hindi ata nakatas sa kaniyang pandinig. "Is that how you treat a customer?" I face him with an irritated look. Why all of a sudden he acts like everything was fine?! "A-ah, I guess alis na muna ako." bago ko pa mapigilan si Amber ay nakalabas na ito ng shop ko. Tumingin ako ng masama sa kaniya, yung tingin na parang papatay. Sumibol ang sobrang galit ko sa kaniya. Galit na matagal ko ng kinikimkim ng anim na buwan. Lalo na sa pinapakita niyang emosyon ngayon. Emosyong parang walang nangyari sa amin. "What do you want?!" Halos pasigaw ko ng tanong sa kaniya. Walang ibang pumapasok sa isipan ko ngayon, tanging ang alam ko lang gusto ko siyang sungbatan. Gusto kong itanong kong bakit siya nagpakita ngayon sakin. Unti-unti ko na siyang kinakalimutan, unti-unti ko ng binura ang pagmamahal ko sa kaniya! pero bakit ganun, ng makita ko siya bumalik ang lahat. Ayaw ko na siyang makita ngunit ng makita ko siya bakit parang gusto ng mga paa ko na tumakbo papalapit sa kaniya at hagkan siya. Ganun na ba kalaki ang pangungulila ko sa kaniya? Na halos nais kong ibaon ang lahat ng masasakit na ginawa niya. Na mas pipiliin ko na lamang patawarin siya at magsimula uli. Napapamura ako sa mga iniisip ko, hindi ko na dapat iniisip ang mga iyon lalo na't tapos na kami, at hindi ko alam kong ano ang nais niya ngayon. Walang kasiguraduhan kung ano ang pakay niya sa akin, imposible naman na makikipagbalikan ito, siya na mismo ang nakipaghiwalay. "I'm here to bring you home wife." Wife? Wife his *ss. "Ex! Ex-wife!" I shouted at him. Ang kapal ng mukha niya para sabihing bring me home! Matapos niya akong palayuin sa buhay niya and besides we're already both signed the divorce paper which means we are done, and he got the guts to say that he wants me to go home! He keep on calling me wife which cause me to build more anger at the same time nakaramdam ako ng kirot sa aking puso na muling naalala kong papano niya ako utusan na permahan ang lintik na divorce paper! "Ugh huh. You're still my wife, and I'm dead serious what I say a while ago." Sa sobrang inis ko sa kaniya naibato ko sa kaniya ang pastry bag na hawak ko. Ano ba ang pinagsasabi ng gwapong nilalang na ito, taena! Oo na! Nagwagwapuhan ako sa Ex-husband ko ngunit hindi mawawala ang galit na nararamdaman ko. "Woah, easy wife." Mas lalo akong nainis dahil sa sinabi niya. "Cut it off! I'm not your wife anymore so stop calling me wife and just please! Leave! Hinding hindi na ko sasama sayo, kuha mo!" Utos ko sa kaniya. Hindi ko siya maintindihan kung bakit bumalik siya rito para sabihin ang mga yon. Anong akala niya sa akin isang bagay na pag nagsawaan itatapon at pag kailangan saka lang ulit gagamitin! "Well then..." Akala ko aalis na siya pero nabigla ako ng bigla niya akong buhatin na parang isang sakong bigas. Nagpumiglas ako, at pinipilit na makababa. The nerve of this guy! "Ano ba Luke! Ibaba mo nga ko, hindi ako sasama sayo! Ang kapal ng mukha mo!" Pero parang wala siyang naririnig at tuloy sa paglakad papunta sa kaniyang sasakyan na tila isang bingi. Pinagsusuntok ko ang matigas nitong likod pero kahit gaano pa kalakas ang mga suntok na pinapakawalan ko ay hindi ito nasasaktan. "Ashley! Hey bitawan mo siya!" Napatingin ako sa gilid at nakita ko si Andrew na papalapit sa amin. Tila ba nabuhayan ako ng pag-asa na makawala ng dumating si Andrew. Agad din naman akong binaba ni Luke at ng maibaba niya ako ay agad akong tumakbo sa likuran ni Andrew. Kita ko ang biglang pagsama ng mukha ni Luke, tila ba nakaramdam ako ng galit sa titig niya kay Andrew. Tila ito papatay, nag-aapoy ang mga matang nakatingin kay Andrew. Galit? Bakit naman siya magagalit? "Okay ka lang ba Ash, ginugulo ka ba ng gagong to?!" Tanong sakin ni Andrew. "I'm just here to bring my wife home." Giit nito. "Wife? Ashley?" Napatingin sakin si Andrew at agad na rumehistro ang pagkalito sa mukha dahil sa sinabi ni Luke. "Ex-wife. His my ex-husband." Pagtatama ko sa kung ano ang sinabi ni Luke. "Ex na pala eh. Bakit ka pa ginugulo?" Tanong sa akin ni Andrew habang masamang nakatingin kay Luke, ganoon rin si Luke. Tila ba sa ano mang oras ay magbabakbakan na ang dalawa. "Ikaw ang nanggugulo, problemang mag asawa to." Sabat ni Luke sa tanong ni Andrew. "Pwede ba! Hindi mo na ako asawa ngayon!" "Who's this guy? Is he courting you? Well he'll never got a chance to court you." Naiinis na ako sa mga pinagsasabi ng taong to. Hindi pa ba siya titigil sa pang aasar, kung pang aasar nga ba talaga ang ginagawa niya. Hinawakan ni Andrew ang kamay ko para umalis ng biglang hinila ni Luke ang isang kamay ko. Nasasaktan na ako sa pinag gagawa nilang paghihila sakin, para akong isang lubid. "Damn it! Let go of my wife!" Galit na sigaw ni Luke. "Not a chance! She's your ex anyway!" " Ano ba! Bitawan niyo ko nasasaktan na ako!" Agad naman nila akong binitawan dahil sa aking pag sigaw. Napatingin ako kay Luke at sinigawan siya. "Ano bang trip mo! Nanahimik na ako pero bakit mo na namn ba ako ginugulo?!" Pero parang umatras ang galit ko ng makita ko ang galit niyang mukha na para bang gusto niyang pumatay sa ano mang oras. Ngayon ko lang siya makita na ganito, mararamdaman mo ang itim na aura na pumapaligid sa kaniya. Pero bakit siya ganito? Takang tanong ko sa sarili ko.Siya ang nakipaghiwalay, siya ang tumapos sa kung ano ang meron sa amin, ngunit bakit ngayon ganito siya umakto? Akala ko aalis na siya ng humakbang siya papunta sa kaniyang kotse pero parang may kinuha siya roon at agad na bumalik at ibinato ang isang envelope kay Andrew. "Now can I have my wife back!" Kinuha ko ang hawak na papel ni Andrew at halos matutop ko ang bibig ko. Marriage contract. Nakasaad na kasal pa kami ni Luke. Papano? Alam ko sa sarili ko at nasisigurado ko na napermahan ko iyon bago ako umalis. "Pero paano yung divorce paper?" Wala sa sarili kong itinanong sa kaniya yun. "That was a fake divorce paper." What? So it means we're still married? His still my husband? For real? Anong klaseng trip ba ito? Kung trip nga bang matatawag. Nilukob ako ng galit ng sabihin niya yun. Ano bang klaseng tao ang pinakasalan ko at bakit nagagawa niyang iparamdam ang halo halong emosyon na nararamdaman ko ngayon. Parang pinaglalaruan niya ang pakiramdam ko. At nalilito ako sa mga pinagsasabi niya. Anong ibig sabihin ng lahat? Bakit niya pineke ang divorce paper? Ibinato ko sa kaniya pabalik ang papel na kanina ay hawak ko at tumakbo ako papalayo sa kaniya. Pero agad niya rin akong naabutan at muli akong binuhat. Nagpupumiglas ako pero parang wala lang yon sa kaniya. "Huwag kang makealam dito kung ayaw mong may masamang mangyari sayo.And you, whether you like it or not, you'll come with me." Mariin niyang pagkakasabi. Akala mo kong sino sya makapag-utos! Binawi ko ang kamay ko sa kaniya at humarap ako sa kaniya. Kita ko ang pagkagulat sa kaniyang mga mata dahil sa ginawa kong pagbawi sa braso ko. "Ang Kapal ng mukha mong magpakita sakin at babalik para sabihing bumalik ako sayo. Napaka-kapal ng mukha mo! Kahit anong gawin mo hinding hindi ako sasama sa isang katulad mo!" Puno ng galit kong sigaw at agad na umalis. Mabuti na lang at hindi na siya sumunod pa. Mabuti na iyon dahil ayaw ko siyang makita. Suklam na suklam ako sa kaniya! *** Kinabukasan ay maaga akong nag-bukas at nag ayos ng shop. Muli kong naalala ang nangyari kahapon at tila ba nakaramdam na naman ako ng matinding inis. Inis dahil sa ginawa niyang pagtaboy sakin sa buhay niya at biglang babalik! Aminado ako na hanggang ngayon siya parin ang tinitibok ng aking puso, pero hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal ko. Muli ay naalala ko ang araw na kung saan ay pinagtabuyan niya ako sa kaniyang buhay. Nagbago ang pakikisama sakin ni Luke noong mag-umpisa ang tuloy-tuloy niyang pagkabusy dahil sa trabaho. Noong una'y iniintidi ko dahil iyon ay responsibilidad niya bilang isang CEO ng kaniyang kompanya. Naging madalas ang ganong set up, sa pag-gising ko'y di ko siya maabutan, ganoon rin sa gabi. Nagkaroon ako noon ng akyusasyon na baka nagloloko siya. Pauli-ulit ang ganoong pangyayari hanggang sa isang araw ay bigla niyang sinabi sa akin na gusto niyang makipaghiwalay. Wala akong makitang rason para hiwalayan niya ako, dahil walang ni isang dahilan naman akong makita para hiwalayan ako. At dahil don nabuhay ang sa aking isipan na totoo ang aking hinala na baka may iba siya, ngunit nakikita ko ang sensiridad ng kaniyang mga mata sa mga sinasabi niya na wala siyang iba. Tanging rason niya lng ay hindi na niya ako mahal, nagmakaawa ako na wag niya akong iwan, halos lumuhod ako ngunit di niya ko pinakinggan. Ang ikinasama ng loob ko ay ng abutan niya ako ng pera at papel, divorce paper. *Ting* Muli akong bumalik sa reyalidad ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Halos masugat ko ang sarili dahil sa higpit ng pagkakakuyom ko sa aking mga kamay. Dahil kaharap ko na naman ang taong nagbigay ng sugat sa aking puso. Ano na naman ba ang pinunta niya rito, Kong pipilitin niya akong pabalikin pwes hindi ako sasama sa kaniya. Masyadong malalim ang sugat na binigay niya para lang pagbigyan sa kagustuhan niyang sumama ako sa kaniya. Ano siya? Gold?! "Pwede ba lubayan mo na ko!" Pagalit kung bulyaw sa kaniya. Mas lalong nag-init ang ulo ko sa galit dahil sa pagtaas ng labi niya sa gilid na tila ba nagsasabing hindi siya natatablan sa mga sinasabi ko bagkus natutuwa pa ito na tila nang aasar pa. Hindi ako lubusang naniniwala sa pinakita niyang papel sa akin dahil baka gawa-gawa niya lang ito. Lalo na't hindi ko siya maintindihan kung bakit bigla niya akong pinabalik. Ano ba ang trip neto sa buhay. Nananahimik na ako at ngayon heto siya, muling ginugulo ang buhay ko. Pati na rin ang isip at puso ko. Naroon ang gustong-gusto ko ng bumalik sa kaniya at mahagkan, ngunit sa tuwing naaalala ko ang isang pangyayaring halos gumuho ang buhay ko ay nais ko siyang pagsusuntukin hanggang sa mamanhid ang mga kamay ko. Ngunit ang mga suntok ay hindi sapat para maibalik ang nawala na. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya sakin. "As what I said yesterday, I want you to go home, to our house Ash. Besides we're still married, and you should live with your partner." Tinignan ko siya ng masama dahil parang wala lang ang lahat sa kaniya, napakadali lang ang lahat sa kaniya. "Sa tingin mo ganoon kadali yon! Ikaw itong kating kati na hiwalayan ako at ngayon babalik ka na parang walang nangyari satin?! Hindi ako ganon katanga para bumalik sayo!" Naiirita na ako sa binibigay niyang presensya sa akin. Tahimik na ako bakit kailangan pa niya bumalik ng basta basta ganoon na lang. "I know. That's why I'm here to get you back. At para bumawi na rin sayo. Aaminin ko, I was that stupid to let you go. Naguguluhan rin naman ko sa mga araw nayon, and I thought na magiging maayos kong aalisin kita sa buhay ko." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano ba ako? Pangpagulo mo ba ako?! Alam mo di kita maintindihan, ni isa sa mga sinabi mo wala akong maintindihan." Dahil kung titignan, maayos ako bilang asawa niya. Maayos kami, kaya hindi ko siya lubos maunawaan sa mga sinasabi niya. "Please Ash. I'm begging you, I still love you. I really do. It never change at all." Tama ba ang nakikita ko, mga luhang nagbabadya. Ngunit agad kong inalis iyon sa isipan ko, baka nga pakulo niya lang ito upang sa ganon ay maniwala at sumama ako sa kaniya. "Umalis ka na lang Luke. Dahil hindi kita maintindihan, wala maski ni isa sa mga sinabi mo na naunawaan ko. At kung mahal mo ako, sana...sana hindi mo ko ipagtabuyan! Sana naisip mo ang mga iyon kong totoong mahal mo ko! Sana hindi mo ko nagawang iwan ng ganoon na lang!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko ng tumulo na ang mga luha ko. "Ash..." Lalapit na sana siya ngunit lumayo ako sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na isungbat lahat sa kaniya ng mga ginawa niya. Dahil kong mahal niya ako hindi dapat siya gagawa ng isang hakbang na maaaring ikakasakit ng mahal niya. Dahil kong mahal mo ang isang tao ay hindi mo hahayaang mawala o kaya naman ay ayaw mo silang nakikitang nasasaktan. Agad ko rin naman pinunasan ang mga luha ko. "Please Luke umalis ka na." Tumalikod na ako sa kaniya para na rin simulan ang mga ginagawa ko. Saglit na tumahimik ang kapaligiran. Umalis na ba siya? Tanong ko sa aking isipan ng wala na akong marinig na ingay, pero kung aalis man siya ay malalaman ko ang pag-alis nito dahil sa tunog ng pintuan na naglilikha ng tunog. Doon ko lang din napagtanto na hindi pa pala siya umaalis, kaya humarap muli ako sa kaniya. "Umalis ka na, marami pa akong kailangang gawin. Wala ka ring naman mapapala sakin." Rinig ko ang kaniyang buntong hininga. "The reason I'm here is to get you back. I know I was fool that I hurt you, that I let you go, and believe me...when you leave, I-I realized how stupid I am. Kaya ako bumalik para mabawi ka, I-I can't live without you ash." Hindi ko alam kong tama ba ang nakikita ko, puno ng lungkot at pagsisi ang nakikita ko sa mga mata niya. Nanlambot ako dahil ayaw ko siyang nakikitang nalulungkot. Pero di ko magawang ihakbang ang mga paa ko para lapitan siya, muli ay bumalik ang masakit na mga ala-ala na siyang nakapagbalik ng aking galit at hinagpis sa kaniya. Anim na buwan ang lumipas nakaya naman niyang mabuhay, anong sinasabi niya noong umalis ako he can't live without me! Ulol. "Uulitin ko...Kung mahal mo talaga ako, sana sa una pa lang hindi mo na ginawa ang bagay na yun, at isa pa di kita maintindihan kong bakit nakikipaghiwalay ka kong ang pinaperma mo naman ay peke. Ano sa tingin mo ang iisipin ko sa mga pinaggagawa mo." Iyon ang hindi ko maintindihan kong bakit hindi naman pala tunay ang divorce paper na kaniyang pinaperma sakin. Ano nga ba ang iniiisip nito noong mga panahon na iyon. "Maari ka ng umalis, dahil wala akong ganang makinig sa mga sinasabi mo, hindi ko alam kong nagsasabi ka ba ng totoo o hindi." Tumalikod na ako sa kaniya para simulan ang mga ginagawa ko. Dahil kong tutuusin hindi ko lubos maintidihan ang mga nangyayari, naguguluhan ako kong bakit niya iyon ginawa. "Kong hindi din naman kita makukuha sa maayos na usapan, kukunin na lang kita sa santong paspasan." Nangunot ang noo ko sa kaniyang sinabi at mabilis siyang nakalapit sakin at tinakpan ang ilong ko gamit ng isang paniyo. Napagtanto ko na lamang na buhat na niya ako palabas ng shop at tanging narinig ko na lamang ay ang pagbukas ng makina ng sasakyan at tuluyan ko ng naipikit ang aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD