“Huy, tulala ka d’yan?” Basag ni Chester sa aking pagmumuni-muni. Kanina pa kasi ako tulala at nakatingin sa malayo. “Ano bang kailangan mo?” Medyo naiirita kong usal dito. Nasa paaralan ako ngayon at break time namin kaya naman ay nauwi ako sa pagtitig sa kawalan dito sa aking upuan. “Wala naman. May problema ka ba? Share mo sa ‘kin...” Mungkahi nito sabay upo sa aking tabi. Inirapan ko lamang ito at muli na namang napatingin sa labas ng bintana ng aming classroom. “Suplado neto...” Sambit nito habang naka-pout pa. Naramdaman ko ang kaunting pagtatampo base sa tono ng boses nito kaya ay minabuti ko na lamang na pansinin ito. “Ayos lang ako. Nasa’n pala sina Miko?” Napatingin ako sa kanyang gawi. “Bumili ng pagkain sa canteen. Tinanong kita kanina kung may gusto kang pabilhin per

