MIKO "Para ho, Manong." Sambit ko sa tricycle driver nang makarating na kami sa bahay nina Justin. Nang makababa na ako ay sandali muna akong napatigil at napabuntong-hininga upang mag-ipon ng lakas ng loob. Kinakabahan pa rin kasi ako. Mahigit isang linggo na ang nakalilipas mula noong mangyari ang gabing iyon sa Palawan. Sobrang tindi ng mga naging kaganapan. Hindi ko lubos akalaing hahantong sa ganito ang masaya naming pagsasalo-salo noong gabing iyon sa may dalampasigan. Ang akala ko ay tuluyan nang bubuti ang samahan namin. Iyon pala ay naging mitsa pa ito mismo ng kamalasan. Kinabukasan kasi noong gabi ng aming masayang camp fire at inuman ay bigla na lamang naglaho si Justin na parang isang bula. Wala kaming kaide-ideya kung saan ito nagtungo. Ga-muntikan pa kaming mag-away ni Ch

