Muli siyang humarap sa anak. Suot sa labi ang ngiting pinilit niyang ilagay doon. "Magkakaroon ka ng panibagong regalo at memories sa ama mo, anak. Kaya pakawalan mo na ang kawawang bola. Pudpod na at butas pa," sabi niyang nagpapatawa. Sumimangot ang kanyang anak. "I'll just frame it, Ma. Kunin ko at sabihin ko kay dada," sabi nitong binuhat na ang pinagkainan at nilagay sa lababo. "Kunin ko lang," sabi nitong humalik sa kanyang pisngi at mabilis ring nawala sa kanyang paningin. Muli siyang napabuntong hininga nang malalim. Hindi niya inilihim na galing ang bolang iyon sa ama ni Lexter. Sa tuwina ay kinukuwentuhan niya ang anak tungkol sa ama nito. Kay Alex na kaibigan niya. Naging maganda ang mga kuwentong inilagay niya sa isip ng anak tungkol kay Chester. Ganoon rin naman niya nire

