"Lo?" "Chester..." Pagkatapos nilang ibaba si Marie sa mansiyon ay mabilis na nagtungo si Chester at Annie sa hospital kung saan dinala ang ama ni Chester. "How is he?" "Not so good," malungkot na pahayag ng kanyang lolo. Kritikal na ang lahat ng ama ayon dito He was stunned. Pero hindi niya alam kung dahil ba sa gulat na hindi mabuti ang lagay ng ama o ano? Hindi niya kasi maramdaman sa sarili kung malungkot ba siya? Naaawa? Hindi niya mapangalanan ang damdaming sumisibol sa kanyang sistema. Ginagap ni Annie ang kanyang nanlalamig na kamay. Biglang nagkaroon ng init ang panlalamig na nararamdaman niya. "Puntahan mo siya." Napatitig siya kay Annie. Nang-uunawa ang mababakas sa mukha nito. Nagbibigay lakas sa kanya na harapin ang ama. Her eyes was telling him not to be afraid any

