"Ginabi ka na naman?" Salubong ni Annie kay Chester. Alas diyes na pasado kasi ito umuwi. Inutusan na niyang matulog ang mga katulong at siya na ang naghintay dito. "I'm sorry. Kailangan ng ma-close ang deal sa isang kompanya," hinging paumanhin nito at hinapit siya sa beywang para ilapit sa katawan nito. "Tulog na ba ang lahat?" tanong nitong biglang nabuhay ang pagod na mga mata. Pagdating talaga ng gabi ay buhay na buhay ito. "Naku, kumain ka muna para may lakas ka," utos niya rito ngunit hindi siya pinakinggan. "Alam mo naman kung anong pagkain ang gusto ko. Makakain lang ako ng masarap na Annie, energized na ako," bulong nito bago siya sinibasib ng halik sa mga labi At sino naman siya para tumanggi. Masarap magpa-mukbang. Masarap rin kasing kumain si Chester. May talent ito. Kung

