Chapter 25

2073 Words

Ngunit ang prinoprotektahan na ngiti ni Chester ay unti-unting nawawala. Hindi niya masikmura iyon. Kaya isang araw ay nagpahaging siya kay Alex. "Bakit hindi na lamang kasi ako?" ika niya rito tila nagbibiro ngunit sa loob niya ay totoo. Ilang buwan na rin silang magkakilala nila Alex bilang isang matalik na magkakaibigan. Magkasama sila ngayon na kumakain sa may park. Wala ulit si Annie dahil pinuntahan nito si Kelvin. "Sa tingin mo, nagkakamabutihan na ba si Annie at Kelvin?" pag-iwas nito sa usapan nila. Nagkibit balikat siya. Lumayo ang tingin kay Alex bago sumagot. "Puwede... bakit pupuntahan pa niya si Kelvin kung wala?" Napalingon siya kay Alex. Nakatingin rin ito sa malayo. Nakanguso ang bibig nito na tila malalim ang iniisip. "Huwag sanang uulitin ni Kelvin na saktan an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD