Sa kanyang pagpikit, alingawngaw ng putok ng baril ang narinig ni Annie. "Annie!" Ngunit nangibabaw sa kanya ang sigaw na iyon ni Chester. Puno ng takot ang tono nito. Maging ang tila kabiguang hindi siya nito mailigtas. Mula sa kanyang pagkakapikit ay naramdaman niya ang kanyang pagbagsak sa sahig at ang mabigat na tila dumagan sa kanya. Kasabay noon ay ang sunod-sunod na putukan sa kanyang pandinig. Mabilis ang t***k ng kanyang puso. Akala niya ay titigil na iyon ngunit hindi, ang kaba at ang bilis ng pulso niya ay naroon pa rin. "Annie!" Napamulagat siya nang may tumawag sa kanyang pangalan. Ngunit mas nagulat siya nang makitang nasa ibabaw niya si Marie. Sapo nito ang balikat. "Bakit?" tanong niya nang matantong sinalo nito ang balang para sa kanya sana. "Just...lend me a han

