Kinabukasan ay hindi siya pinapansin ni Chester. Kahit naroon ang anak nila ay malimit siyang kausapin nito. Naiinis tuloy siya dahil ito pa ang may ganang magtampo. Hindi naman siya ang nambitin. Kahit noon ihatid siya nito ay walang imik. Nakipagmatigasan tuloy din siya rito. Wala siyang nagawang mali. At walang mali na nag-iingat siyang mabuntis muli. Tinupad naman nito ang sinabing dadaan sa shop upang kausapin si Alex. Naabutan pa nga sila nitong nag-uusap ni Alex tungkol sa mga buhay nila kapag ginawang libro. "So ano iyon, Annie. Mas mabili ka kasi taguan ng anak. Ganoon?" bulalas ni Alex. Gusto niyang kurutin nang pinong-pino si Alex. Lalo na at naroon na si Chester. May dala-dala itong newspaper at ipinakita iyon kay Alex. Isang balita tungkol sa kinakapatid at sa isang negsy

