"Where are you going?" Nabaling ni Annie ang tingin kay Chester. Akala niya ay umalis na ito papunta sa trabaho kaya minabuti niya rin ang umalis na hindi sana nalalaman nito. "T-umawag si Pauline. She wants us to meet." Pinaningkitan siya nito ng mga mata. "I'll take Roxanne and the others. May iaabot lang ako sa kanya. Babalik din ako agad, promise," paliwanag niya rito. "Ikaw? Bakit hindi ka pa pumasok?" "I'm going now. Ihatid na kita," ika nito. Hindi na siya nakipagtalo dahil mamimilit rin naman ito. Napanguso siya dahil napakanormal lang ng usapan nila na tila wala silang ginawang kababalaghan kagabi. Lumapit siya kay Chester. "Baka hindi puwede..." "It's work related, Baby. It's okay," sabi ni Chester na lumapit sa kanya at hinapit siya sa kanyang beywang. "Mas mapapanatag a

