"Ah!" Hirap na hirap niyang pag-ire. Pawisan at namimilipit sa sobrang paghilab ng kanyang tiyan. Manganganak na si Annie at hindi na siya nadala sa hospital ni aling Tinay kaya naman nagtawag na lamang sila ng nagpapaanak sa center at sa bahay na lamang ni aling Tinay siya manganganak. "Sige pa, hija. Konting tiis pa. Isang malakas na ire pa. Nakikita ko na ang ulo ng bata," ika ng kumadrona na nagpapaanak sa kanya. Napalingon siya sa matandang kasama. Hawak nito ang kamay niya na mahigpit niyang hawak dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman. Naliligo na rin siya sa pawis. "Ah!" muli niyang pag-ire. Ibinuhos ang buong lakas doon. Tila siya papanawan ng ulirat dahil gusto na niyang mailabas ang anak. "Heto na, heto na!" galak na bulalas ng kumadrina sa kanya. Ramdam niya ang tila gi

