"Class dismissed." parang hangin na tinangay na lamang si Miss palayo at nawala na. Walang ganang tumayo ako sa aking kinauupuan at tinungo si Akina. Pinitik ko siya sa noo, "Ouch!" "Para saan naman yon?!" "Go back to your senses." singhal ko sa kaniya. "Argh! Kaasar!" Inis na naglakad siya papalayo. Ayaw na ayaw niya sa lahat ang napapahiya siya, isa sa mga katangian ni Akina na hindi ko mabago. "Hindi ka man lang ba sasabay sa boyfriend mo?" sabay bangga ni Yuna sa balikat ni Trina. "Tsk. Mukhang ayaw niya naman ako kasabay. Wag na lang." "Badtrip ka ata?" "Sinong hindi maba-badtrip kung muntikan nang mapatay ng boyfriend niya ang kaibigan niya? Like-what the hell is that?!" Natawa na lang si Yuna. I appreciate what she said. Sa maikling panahon ay naging kaibigan na agad ang

