"O-opo, masyadong malansa ang amoy ng bahay ko kasi nagbilad ako ng mga isda. Pagpasensyahan niyo nalang po ang amoy ng bahay ko." "Ganoon ba? Ingat ka, baka magkasakit ka dahil sa mabahong amoy." paalala pa ng ginang bago sila magsimulang kumain. "Agnes, may gusto nga pala akong itanong sayo." bigla'y tumingin sa kanya ang tatay ni Buchukoy. "Ano po iyon, Tiyo Kukoy?" "Tutal napakalapit mo sa dagat at madalas kang tumatambay sa labas, gusto ko lang sana itanong sayo kung wala kabang napapansin na kakaibang nilalang sa dagat katulad ng sirena?" tanong nito na nakapagpalunok sa kanya nang mariin. "W-wala po, mukhang natakot po yata sa pagpapasabog sa d-dinamita." "Ganoon ba? Pero kung may makita ka, ipagbigay alam mo agad sakin. Sa simpleng bagay na iyon ay matutulungan mo kaming magk

