Ninety (Unedited)

3851 Words

Hindi na naiwasan ni Agnes ang maluha nang tumalikod sa kanya si Erick, kanina pa niyang pinipigilang tumulo ang nagbabadyang luha sa kanyang mga mata nung kausap niya ito pero ngayon tuluyan nang bumigay ang kanyang mga luha. Masagana itong umaagos mula sa kanyang malamlam na mga mata patungo sa kanyang pisngi. Habang pinagmamasdan si Erick na naglalakad palayo sa kanya ay tuluyan na ngang naglaho ang pag-asa niya na magkaka-ayos silang dalawa. Mag-isa siyang naglalakad sa madilim at palusong na daanan at sa bawat gilid ng kalsada ay may nakatayong malalaking bahay, halos lahat ng ilaw ng bawat tahanan ay nakasara na dahil inabot na siya ng gabi. Tinext siya ni Erick ng mga bandang alas tres ng hapon dahil nais nitong makipagkita sa dati nilang tagpuan na medyo malayo sa bahay niya, akal

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD