PALUBOG na ang araw sa pahingahan nito ngunit hindi pa rin nagigising ang binatang prinsipe. Nagtapon ng mamula-mulang liwanag ang araw sa kalangitan samantalang dumilim na sa kagubatan na kanilang kinalalagyan kahit hindi pa dumataring ang gabi. Ang tanging tanglaw nila ay humihina na ring apoy sa siga dahil naubos ang panggatong na inipon ng kaniyang alalay na si Arnolfo. Nakatitig lamang siya sa binatang prinsipeng nakapikit ang mga mata't maraha ang paghinga. Hindi na nakapatong ang ulo nito sa kaniyang kandungan sapagkat inilagay niya ang nakatuping natuyo niyang panglabas na luntiang roba sa ilalim ng ulo nitong bilang unan. Naibaling niya ang tingin sa kaniyang alalay na si Arnolfo nang kumilos ito. Sinuot nito ang pinatuyong damit kung kaya naitago niyon ang mga pilat nito sa kat

