HINDI pa man sila nakatatagal sa daan sa pagitan ng mga bahay sa baryo na iyon kapansin-pansin na ang naging katahimikan na bumalot sa paligid. Wala na silang makitang mga tao na nang magtungo sila roon ay abala sa kanikanilang mga gawain. Hindi na rin niya nakita pa ang matandang lalaki na ang anak ay hindi maganda ang kalagayan. Hindi na ito nakabalik sa bahay nito na ilang hakbang na lamang ang layo mula sa kanilang kinalalagyan. Dahil sa bagay na ito kapwa sila natigil sa harapan ng bahay ng matandang lalaki upang pagmasdan nang maigi ang kalagayan nito. Tumingin siya kapagkuwan sa kaliwa't kanan para manigurong wala na ba talagang tao roon. Nang wala naman siyang napansin na isang taong napapadaan tinutok niya ang tingin sa pinto ng bahay. Napalitan ang dating kulay nitong kayumanggi

