ABALA sa pagtipa si Isabella sa harapan ng desktop nang maramdaman niyang may lumapit sa kanya. “Mauna na kami ni Katherine sa labas. Doon ka na lang namin hihintayin kaya bilisan mo na diyan,” pabulong na sabi ni Jade. Hindi na siya lumingon. Tumango na lang siya. Inabot pa siya ng ten minutes sa kanyang ginagawa bago siya natapos. Napansin niyang umuulan na paglabas niya ng kuwarto. Agad niyang hinanap ang mga kaibigan. Nakita niyang naghihintay ang mga ito sa may hallway kasama ang iba pang mga estudyante. “Haisst! Lumabas ka na rin. Sa kahihintay namin sa iyo, inabutan na kami ng ulan,” ani Jade nang lapitan niya ang mga ito. Napakamot naman si Isabella ng kanyang ulo. “Pasensiya na kung natagalan ako.” “Sanay na kami sa iyo, Isabella. Matagal ka talagang sumagot sa mga activity

