“HINDI ko alam kung paano ako magsisimula,” sabi ni Richard. Napakunot ang noo ni Isabella. “Simulan mo doon sa part na nagpustahan kayo ng kaibigan mo,” wika niya. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa kanya kung bakit siya pinagpustahan ni Richard at ng kaibigan nito. Anong bang ginawa niya sa kanila para pag-trip-an siya ng mg ito? “Okay, sige, magpapaliwanag ako. Patapos na ang pasukan noong isang taon nang magkaroon kami ng usapan na magkakaibigan. Si Kurt lang kasi noon ang may lovelife. Kaya napag-usapan namin na bago kami mag-graduate dito sa SMU, dapat may girlfriend na kami o kaya ka-MU. Ang nagyari tuloy nagpustahan kami na kung sinuman ang mahuhuling magkaroon ng girlfriend o MU, siya ang magbabayad ng graduation fee namin at magiging slave sa loob ng isang buwan ng unang nagk

