"HINDI KA ba talaga marunong manligaw?" tanong ni Isabella kay Richard habang hinihintay nila ang kanilang in-order na pagkain. Tumuloy sila sa isang fastfood para mag-lunch. "Why do you still ask? Hindi ka naman naniniwala sa sinasabi ko." Halatang nasaktan ito sa naging reaksyon niya sa sinabi nito kanina. "Hey, huwag ka nang magtampo." Hinawakan niya ang kamay nitong nakapatong sa mesa. "Ang hirap lang kasing maniwala sa pinagsasabi mo." May biglang pumasok sa isip niya. "Pero may paraan naman para maging full-pledged girlfriend mo ako nang hindi mo ako kailangang ligawan." "Talaga? Paano?" Inalis ni Richard ang kamay nito sa pagkakahawak niya. Napangiti siya ng makahulugan. "Well, you can beat me in a taekwondo match. Kahit minsan lang, okay na iyon." "Taekwondo?" Nagsalubong ang

