“TATAKBO KANG GOV?” Hindi ako makapaniwala, nang marinig kong sinabi niya ang balita na iyon. Narito kami ngayon sa mansyon ng mga Fuego. Tumingin ako kay Ninang Jen na hindi maipinta ang mukha sa gulat at si Ninong Renaldo naman na masaya ang itsura. “Sigurado ka na ba rito?” Ngunit hindi na natuloy ni Ninang Jen ang tanong niya nang takpan ni Ninong Renaldo ang bibig nito. “’Wag ka magtanong!” Sinampal naman ni Ninang Jen ang kamay ni Ninong at saka naman siya tumayo. Niyakap nilang dalawa si Rav. Nakangiti lang akong pagmasdan sila, dahil ngayon ko lamang sila nakita na ganito. Iyong masaya, hindi ko rin alam kung paano ba nila napapayag si Rav, o ano ang dahilan kung bakit siya tatakbong governor. Sinabi na sa akin ni Rav noon na hindi niya iyon gusto kaya siya nagpakasal sa akin

