NANG MAKAUWI ako sa mansyon ay bumungad na roon si Ninang Jen at mommy, tila parang hindi maganda ang timpla nilang dalawa. Ang inaakala ko'y nang dahil sa akin ay nagkamali ako. "Renaldo, hindi mo pwedeng pilitin si Rav sa kung ano ang gusto niya," ani ng Ninang Jen sa kaniyang asawa. Lumapit ako sa kanila nang mapagtanto kong mugto ang mata ni Ninang Jen at mommy. Sa gilid ay ang galit na galit na si Ninong Renaldo. "Hindi ko pinipilit ang anak natin, Jen! Alam mo 'yan! Kailangan niya 'yan gawin, responsibilidad niya 'yan!" Akmang hahawakan ko si Ninang Jen, dahil ngayon ko lamang itong nakitang ganito, ngunit umiling lamang ang mommy sa akin. “Nasa puso ang pagpapatakbo ng isang lungsod, Renaldo! Hindi sa dugo!” Sa huling bigkas ni ninang ay natahimik na si ninong. Walang nagsalita

