FIRST DAY “GOOD MORNING!” Sapo-sapo ko ang aking noo, nang marinig ko ang boses mula sa aking gilid. Minulat ko ang mata ko, matapos kong magulat sa mukha ni Ninang Jen na ang creepy pa ng ngiti. Happy ka, Ninang? “G-good morning, po.” Dali-dali kong upo sa kama at sumilay sa kaniya. “Maaga ang pasok mo ngayon, Hija.” Hinanap ko ang orasan sa aking maliit na cabinet, mula sa gilid ng aking kama at nakita na ala-sais na ng madaling umaga. Ala-syete ang pasok namin sa school! Hindi pa nga ako nakakapunta o kahit nakasilip man lang doon, pero hinayaan ko na lamang din, dahil alam kong hindi na naman ako papayagan ni mommy at late na ako nakapunta. “P-pasensiya na po at na-late ako ng gising.” Mabilis akong bumangon. “It’s fine! Ginising lang din kita, dahil alam kong hindi ka sanay sa

