"D'yos ko! Ano ang nangyari sa 'yo?" Madali akong hinawakan ni Ate Wena, nang makapasok ako sa hotel. Mabuti na lamang at wala roon ang mommy at daddy, lalo na si Ninang Jen. "Ate, may isang oras pa naman ako para ayusan, ano?" Wala ako sa mood. Nakita ko kanina, kung paano bilisan ni Rav ang kaniyang motor at lagpasan lamang ako. Mukhang iyon talaga ang balak niya—ang asawahin lamang ako para sa isang dahilan. "O-oo! Ano ang nangyari? Bakit ganiyan ang mata mo't ang gulo ng buhok mo?" Kanina pa pala ako hinihintay ni Ate Wena sa entrance at si mommy naman at ang iba pa ay nag-aasikaso na sa mga bisita. "Nariyan na po ba si Rav?" Nang makapasok na ako sa loob ng kwarto at makita na naroon na ang glam team. "Ayan na siya!" Kumilos na ang ilan at tila hindi pa good mood ang isang lalaki n

