THE FIRST THING that I smell—iyong kaamoy ng pabango ni Rav. Ramdam ko rin lubog na kama sa gilid ko, kaya nang lingunin ko iyon ay naroon na pala ang asawa ko. Nakataob siya matulog, mabuti na lang at hindi niya sakop-sakop ang higaan ko! Maaga akong nakatulog kagabi, hindi namalayan na nakauwi na pala siya. Kumunot ang noo ko sandali at dahan-dahan na lamang na umalis ng kama, dahil kailangan ko na gumawa ng makakain sa umaga. Saan naman siya pumunta kagabi? kay Velvet ba? I want to know about their relationship, ayoko na nang ganito. Tatapangan ko na ang sarili ko at ipapamukha ko kung sino ba ako. Bahala na magalit sa akin si Rav, pero utang na loob ay bigyan na rin naman niya ako ng kahihiyan. Pinagmamasdan ko lamang siya kumain, nang inihanda ko. Hindi ko rin alam kung ano ba an

