VELVET DREAMING about that necklace is mercilessly and brutally killing me within, pero ngayon na nagkaroon ako ng isang unique at handmade necklace na mas maganda pa sa gusto kong kwintas, ay tila isang panaginip lang na nangyari. Jerome returned home after giving his thoughtful birthday present to me. The best and perfect gift for me. Hawak-hawak ko iyon sa aking leeg, habang naglalakad papasok ng mansyon. "Aba! Ang ganda naman ng kwintas mo," Si Ate Wena na nangaasar ang ngiti sa akin, habang may hawak siyang mga punda't pamalit ng sapin ng higaan paakyat sa itaas. "Bigay niya iyan sa 'yo?" Hinawakan ko ang gilid ng hagdan at nag-pose pa roon na animo'y nagmamayabang. "Nangiinggit ang bata!" Nang marinig ko ang bata ay natahimik ako. Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng gal

