“CAN YOU WALK?” Ngumuso ako nang itanong iyon sa akin ni Rav. Mukha bang hindi ako nakakalakad, nakaligo nga ako kanina. Nasa labas na kami ng bahay at siya naman itong parang timang na nag-aalala mas’yado sa paglalakad ko. Partida ay kakalabas pa lang namin ng pintuan sa bahay namin. “Yes.” Hindi ko na mapigil ang sarili ko’t napanguso na lamang sa harapan niya. Isinuot niya sa akin ang helmet at tinapik ang shield nito. “Can you drive?” Bawi ko naman sa kaniya. Ang pagngisi niya ang bumungad sa akin. Malaki talaga ang ulo niya, ano? Huminga ako ng malalim, hindi ko kasi alam din ang isasagot sa tanong ko, anong ulo ba ang malaki? “Baby—” Natigilan siya, nang ma-realize niya ang itinawag niya sa akin. “Baby, ‘di to uubra.” Biglang kanta niya’t umiwas agad ng tingin sa akin. Maging

