EIGHTEEN TANGING hangin lamang ang naririnig ko sa palagid namin at ang mga dahong nasayaw. Inilayo niya sa akin ang kaniyang labi, nang imulat ko ang aking mga mata. Is he for real? Parang isang panaginip at suntok sa buwan ang ginawa niya sa akin ngayon. Kumurap-kurap pa ako, nang maramdaman ko na ang kaniyang mukha na lumayo na lalo sa akin. Walang nagsalita kahit isa sa amin. Sadyang kulang na lang ay ang uwak na dumaan sa himpapawid at magmistulang kami'y sobrang tahimik. "Hindi... ka ba nilalagnat?" Akmang hahawakan ko na ang noo niya nang hawakan niya ang palad kong papalapit pa lamang sa kaniya. "Mukha ba akong may lagnat?" Saka niya idinikit ang palad ko sa kaniyang noo. "Pero try mo, baka mayroon." Impis ang ngiti niya, nang lumapad ang balat ko sa kaniyang noo. "Seryoso ka

