Chapter 1

1568 Words
Unang araw ko ngayon sa high school kaya maaga pa lang ay handa na akong pumasok. Kinakabahan pero andun yung excitement. "Thank you lo" sabay beso sa kaniya. Umalis na si lolo pagkatapos niya akong ihatid sa paaralan. Naiwan ako sa gate na tulala at walang ideya kung ano ang susunod na gagawin. Ang ganda nilang tingnan na naka uniform. Napatingin ako sa sarili ko na hindi nakapag uniform, hindi pa kasi tapos yung pinagawa ni lola na uniform ko. Suot ko kulay green na t-shirt at jeans, sana okay lang kahit hindi nakapag uniform. "Ayaa" napalingon ako sa sumigaw ng pangalan ko. Buti na lang nandito si Dorothy may kasama na ako. Ngumiti ako habang hinintay siyang lumapit sa akin. "Dorsss na miss kita" yakap ko sa kaniya. Yung totoo hindi ko naman talaga siya na miss thankful lang ako kasi meron akong kasama papasok. Kung kanina kinakabahan ako ngayon gumaan ng kunti. Sabay kaming pumasok sa campus, habang nag uusap kung gaano kami ka excited sa bagong chapter ng buhay namin. "Si Zenith oh" turo niya kay Zenith na nasa ilalim ng puno na halatang wala ring alam kung anong susunod gawin. Nilapitan namin si Zenith na malayo ang iniisip. "kumusta" si Dorothy paglapit namin kay Zenith "okay lang, andiyan na pala kayo. Tara hanapin natin section natin" saad niya. Sumabay ako sa kanila na hinahanap ang rooms namin. Habang naglalakad kami ay nadaanan namin si Chana, pinsan ko kasama niya rin ang kapatid niya at ibang pinsan ko pa. Huminto ako sa paglalakad at nag pa iwan kina Zenith at Dorothy. "mauna na kayo guys, paki hanap na lang din kung saang section ako" saad ko sa kanila at pumunta sa grupo ng mga pinsan ko. "oh aga natin ah" pang bibwisit ko sa kanila. "Syempre first day of school" saad ni Kasper. Nagtawanan kami at nagbigay sila ng advise sa amin ni Chana na first year pa lang. "ate mauna na ako" saad ni Chana at naunang maglakad. "Sige aalis na din ako" saad ko at humabol kay Chana. Tahimik akong sumunod sa kaniya. Sabi nila high school life daw yung pinaka masaya. Grabe susulitin ko talaga ang buong high school ko. Minsan lang ako mag hihighschool. I took a deep breath habang kinakabahan sa kung ano ang mangyayari. "guys magkaklase parin tayo" saad ni Dorothy. "talaga" napangiti ako sa sinabi niya "Kaso lima lang tayo" saad ni Zenith. "Top 5 dati?" Si Chana Ngumiti ako kasi kahit papano may kilala pa rin ako sa bagong school. Hindi ako mahihirapang mag adjust. Top 1 namin dati sa grade 6 si Zenith, si Chana yung top 2 tapos ako yung 3 tapos si Dorothy pang apat tapos lalaki yung pang lima si Kenneth. Naghintay pa kaming bumukas yung classroom kaya nakapag tambay muna kami sa labas ng room. Yung iba naming kaklase dati ay nasa kabilang rooms magkaiba kami ng section. Medyo maaga pa naman pero nag simula ng dumami ang mga mag-aaral. Marami akong hindi kilala Ng tumunog ang bell ay pumunta ang ibang students sa court. May iba't ibang linya ayun sa grade and section. Sumunod lang ako kina Zenith kung saan sila andon din ako. Hindi ako tulad ni Chana na madaling makipag kaibigan. Ako, it takes years for me to truly trust someone and to consider them as a friend. Pagkatapos ng flag ceremony ay pumunta na kami sa assigned classrooms namin. Dahil may pagka competitive si Zenith sa unang row siya naupo, at dahil gaya gaya lang ako, sa unahan na rin kami naupo ni Dorothy, habang si Chana ay naupo sa second row. "Balita ko, nandito daw yung top 1 dati sa school ng pinsan ni Chana" bulong ko sa kanila. Hindi naman ako competitive, goal ko lang ay pumasa habang inenjoy ang pagiging high school. Habang nag uusap kami, Pumasok ang homeroom teacher. She's funny and smart. Na eenjoy ko yung klase niya. Una niyang pinakilala ang sarili niya tapos pagkatapos kami naman ay hinayaan niyang ipakilala ang sarili namin. I'm not good with names, siguro buwan pa ang aabutin para makilala ko sila. Ang alam ko lang ay halos silang lahat ay matatalino at honor students galling sa dating paaralan nila. Nasa first section ako kaya expected na lahat matatalino. Huminga ako ng malalim kasi akala ko ma eenjoy ko tong high school pero parang nakaka pressure na, kaka simula palang naming feeling ko ako na pinaka bobo sa amin. "Hi, ako pala si Aya Santos" ngiti ko habang pinapakilala ang sarili. Pagkatapos pinakilala ang sarili ay naupo ako at nakikinig sa mga nagpakilala pa. Halos lahat ng subject naming buong araw ay walang ginawa kundi ang pagpapakilala. Mayroon namang namimigay ng books. Pagkatapos ng morning class naming ay sinundo ako ni lolo para sa lunch break. Malapit lang naman yung bahay namin kaya umuuwi ako tuwing lunch. "La, ansarap nitong sinigang mo" Kumakain ako sa karinderya ni lola. Masarap magluto si lola kaya naisipan niyang magtayo ng kainan. "Aya, high school ka na pala." Si Gab, kapit bahay namin. DIto din siya kumakain. Hindi ako sumagot sa halip ay tumango lang ako bilang tugon. "So ilan na jowa mo?" natatawang saad niya. Halos maibuga ko ang sabaw ng sinigang dahil sa sinabi niya. Nanlaki ang mata ko na napatingin kay lola. Tumawa siya ulit dahil sa reaction ko. "mag ingat ka sa mga seniors, mga first year ang target ng mga yan" paalala niya sa akin bago siya umalis. Pagkatapos kong kumain ay hinatid na ako ni lolo sa school. Hindi pa ako sanay na maglakad mag isa papasok sa school. Ang daming students at nakakahiya, ang awkward lang maglakad na mag isa. "green" I rolled my eyes after hearing a familiar voice. "ano?" saad ko sa kaklase ko. Hindi ko alam ang pangalan niya at parang hindi niya din alam ang pangalan ko kasi tanging green lang yung tawag niya sakin simula kanina. "papasok ka na?" tanong niya sa akin habang sumabay sa paglalakad. "oo" tipid kong sagot. Tahimik lang akong naglalakad kasama siya. Siguro naramdaman niya din yung katahimikan ko kaya tumahimik din siya. "Ayieeeee" Salubong ng mga kaklase namin pag pasok namin sa class room. Nanlaki ang mga mata ko habang inilagay ang bag sa upuan. Nandito na rin sina Zoren at Dorothy, Si Channa naman ay nakipag kaibigan sa iba naming ka kalklase. "Ano yun?" Si Dorothy "ano?" walang paki kong sabi na naupo na sa upuan ko. Di nagtagal ay dumating din ang guro namin. Gaya ng ginawa namin sa ibang klase puro pagpapakilala lang. Kahit yata araw-araw namin gawin to hindi ko talaga kayang matandaan ang ngalan ng lahat ng kaklase ko. Buong araw kaming ganoon hanggang sa matapos ang klase, may vacant kami kalahating oras bago mag last period. Binigyan kami ng guro naming ng kailangang imemorise, yung school mission, vision at core values. Pagkatapos niya kaming bigyan ng Gawain ay hinayaan niya kaming lumabas para bumili ng snack. "guys tara sa canteen" si Dorothy. Si Zenith naman ay inaayos ang kaniyang aklat. Handa na akong humindi pero mukhang boring ditto at saka nakakpikon yung isa kong kaklase. Lumingon ako sa kaniya para tingnan kung nakatingin ba siya sa akin. I rolled my eyes when he smirk at me. Parang tanga lang. "tara" nauna na akong tumayo at naglakad patungong pintuan. "Dun tayo sa canteen malapit sa seniors" si Dorothy, na kakalabas lang namin. "Malayo dun, dito na lang" suggestion ko sa kanila kasi ayaw kong ma late sa next class at nahihiya ako sa mga seniors. "doon kami, dito ka lang?" seryusong saad ni Zenith. Huminga ako ng malalim at sumunod sa kanilang dalawa. Wala akong choice kundi sumama sa kanila, may ibang friends na yung pinsan ko tapos kapag nag stay ako sa room pag titripan lang naman ako nung kaklase ko. Nanlaki ang mga mata ko pagdating namin sa canteen. Maraming seniors na nakatambay tapos wala akong kilala, liban na lang sa school mate ko dati sa elementary. Dito rin pala siya nag-aaral. Bumili ako ng buko juice at naupo sa tabi ni Zenith. Bali nasa gitna namin ni Dorothy si Zenith. "Dito din pala siya nag-aaral" wala sa sariling saad ko sa kanila habang umiinum. "Sino?" si Dorothy. "Si Simoun, school mate natin dati kaso mas matanda siya sa atin ng tatlong taon." Pag eexplain ko sa kanila. "oo, kapit bahay namin yan" saad ni Dorothy. Grabe sobrang nag mature na ni Simoun, ang tangkad niya tapos ang tangos ng ilong, malalim ang mga mata niya na parang may gustong ipa hiwatig. Kasama niya mga barkada niya pero siya talaga nag stand out sa grupo. Ang gwapo niya, mapapnsin kaya niya ako? Di bale ng hindi niya ako pansinin at least school mate kami tapos araw-araw ko siyang makikita except Sundays at Saturdays. "guys tara na" Natauhan ako sa sinabi ni Dororthy. Ubos na pala ang buko juice ko kanina pa ko inum ng inum hindi ko namalayan. Saktong pagdating namin ay dumating din ang guro namin. Unlike sa ibang subjects, ngayon binigyan niya kami ng pre-test. Unang tanong palang parang nawawala na yung utak ko. "ma'am recorded?" isa sa mga kaklase ko. "Yes" parang nabuhusan ako ng malamig na tubig ng sinabi niya iyon. "but hindi ko siya isasali sa grade niyo" saad niya na parang nagbunot ng tinik sa akin. Dahil sa sinabi niya natapos ko iyong sagutan na hindi man lang nag-iisip. Pagkatapos ng klase ay sabay na kami ni Channa na lumabas ng campus. Malapit na ako sa gate ng nakita ko si Simoun, kinagat ko ang ibabang labi ko para hindi ako mag mukhang asong naka ngiti. May jowa na kaya siya? Ang swerti naman ng babae pag ganun. "Chana, sabay ka na?" Dati lagi naman siyang sumasabay sa akin pero ewan ko lang ngayon. Malapit lang yung bahay naming sa kanila kaya baka maisipan niyang mag lakad kasama kapatid niya. "sabay nako" Saad niya. Nauna na akong sumakay sa motor tapos siya. Abot langit ang tuwa ko ng pag uwi ko natapos na yung uniform na pinagawa ni lola. "Sukat mo" saad ni lola. Kinuha ko ito sa plastic at sinukat ang isa, limang pares yung pinagawa ni lola para hindi ako mag lalaba araw araw. "oh ano kasya ba?" sigaw niya mula sa labas. Una kong sinuot ang blouse kasya naman ito pero medyo Malaki ng kunti. Sunod kong sinuot ay ang saya, napakahaba nito, feeling ko isa akong babae mula Spanish era. "la ang haba naman nito" reklamo ko sa kaniya pah labas ko. "ano ba gusto mo? Yung makikita yung tuhod mo?" saad ni lola habang pinapaikot ikot ako at tinitingnan niya ang kabuuan ko. "okay lang yan, kasya naman sayo, hubarin muna ilagay mo lang diyan ako na magpaplantsa" saad niya at bumalik sa tindahan. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Kasya naman siya kaso nagmumukha talaga akong lola nitong uniform ko. Malaki ng kunti yung polo tapos yung skirt naman ang haba. Wala akong choice kundi nilagay sa mesa yung uniporme. Nagbihis ako ng pangbahay at kinuha ang notebook ko kung saan ko sinulat iyong kailangan naming sauluhin para bukas. Umakyat ako sa terasa ng bahay upang doon mag aral. Unang tingin ko pa lang sa notebook ko na realize ko na ang haba pala nito. Siguro aabutin ako nito ng isang lingo. Habang paulit ulit akong nag babasa, ang mata ko naman ay may nahagilap. Napatigil ako sa ginagawa ko at tiningnan ang napadaan. Bakit ba kasi ang gwapo niya, ayan tuloy na didistract na ako ditto. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa hindi na siya maabot ng mga mata ko. Nanlaki ang mga mata ko ng may naisip ako, hala nakakahiya pala sa mga seniors na hindi ko pa kabisado ang mission vision ng school. Baka ano ma turn off siya sakin. Hindi ko tinigilan ang sarili hanggang sa nasaulo ko lahat bago kami mag hapunan. Hindi din ako makapaniwala na nakaya ko iyon. Kinabukasan maaga akong hinatid ni lolo sa school. Wala pang masyadong mag-aaral at sarado pa ang pinto ng room namin kaya tambay muna ako sa labas ng room habang naghihintay. Yung iba kong kaklase nagsimula ng mag datingnan habang sila ay busy sa pakikipag kaibigan, ako naman ay tahimik lang sa isang tabi. "Ayan siya yung crush ni mae" narinig kong sinabi ng isa kong kaklase. Napatingin ako sa dumaan at napangiti ng napagtanto ko kung sino iyon. Si Simoun, ang gwapo niya talaga di nako magtataka kung marami ang magkakagusto sa kaniya. "Crush mo si Simoun?" napalingon ako sa nagsasalita at natigilan. Ano bang sasabihin ko? "Ha? Hindi no. Si Dale yung crush ko. Yung kasama ni Simoun" saad ni Mae. Napatingin ako sa kasama ni Simoun pero nakatalikod iyon. "huyyy, Aya, aga natin ah." Natauhan ako sa biglang pagsulpot ni Dorothy. Ngumiti ako sa kanila ni Zenith. Mukhang sabay silang dumating. Sa ilang minuto naming paghihintay ay tumunog ang bell, hudyat na magsisimula na ang flag ceremony. Sabay kaming tatlong pumunta sa open court. Si Dorothy ay hindi mapigil sa pagsasalita minsan hindi ko na siya naiintindihan. Si Zenith naman ay nakatingin lang sa stage, kaya napatingin din ako sa tinitingnan niya. "Anong tinitingnan niyo?" Si Dorothy na napansin ang katahimikan naming. "Aya, may sinabi siya sakin kanina" Saad ni Dorothy, pero naputol iyon ng magsimula ng kumunta ng pambansang awit. Pagkatapos ng flag ceremony ay bumalik na kami sa classroom naming. Hindi mawala sa akin yung sasabihin san ani Dorothy kaya hini ako nakapag focus sa klasse namin hanggang sa nag recess kami. Unti- unting inuubos ng curiosity ko ang pasensiya ko. Ano ba kasi ang sinabi ni Zenith kay Dorothy na hindi ko alam. Gets ko naman na mas close sila pero kailangan ba talagang may secret silang dalawa? Huminga ako ng malalim at isinubsub ang mukha ko sa aklat na nasa arm chair ko. Unfair naman kasi nila sila lang dalawa yung may alam, akala ko ba friends kami pero bakit silang dalawa lang yung magkaibigan dito? "Aya, cr kami. Sasama ka?" Saad ni Zenith. I'm too broke to be with them. Umiling ako ng hindi inalis ang mukha sa aklat ko. Pinakiramdaman ko ang paligid at hinintay kung kalian sila aalis. Guess I'm back to being the lonely girl in the campus. Ng maramdaman ko na umalis na sila saka lang ako umayos ng upo. Hindi matigil sa paghinga ng malalim. Can't they trust me? "hi" isa sa mga kaklase ko ay kumausap sa akin. Biglang nagliwanag ang mukha ko ng may kumausap sa akin. Hindi to bago. Hindi ako marunong makihalobilo tapos ngayon sila ang lumalapit sa akin. "Hera" Inilahad niya kaniyang kamay upang makipag shake hands sa akin. Nagpakilala siya sa akin gayun din ako. Finally, I made friends with someone. Wait, friends na ba talaga kami? Dahil sap pag-uusap naming ni Hera, hindi ko napansin na nakabalik na pala sina Dorothy at Zenith. "Alam mo ba Nakita niya yung crush niya dun kanina" pang chichismiss ni Dorothy. "tara sa canteen" saad ni Dorothy. napatingin ako kay Hera pero wala na siya sa upuan niya, baka nauna na siyang lumabas. Wala akong choice kundi sumama kina Dorothy at Zenith. Si Chana kasi kasama yung bagong friends niya. Tahimik akong naglalakad kasama sila habang sila naman ay nag-uusap tungkol sa mga bagay na wala akong alam. "Sasabihan ko si Aya, pero promis mo Aya secret lang to ha" si Dorothy. Si Zenith naman ay tumango lang. "Crush niya yung Dale" bulong ni Dorothy sa akin. Yun na yun? Yun lang yung secret nila? Hindi ko naman kilala yung Dale. "Sinong Dale?" nakakunot ang nuo ko habang tinatanong sila. Namula ang pisnge ni Zenith ng banggitin ko yun. "kilala mo si SImoun diba?" Si Dorothy Tumango ako bilang tugon sa sinabi niya. "yung kaklase niya s***h bestfriend basta yung kasama niya lagi" napailing ako sa sinabi niya. Hindi ko talaga kilala yun. Wala naman akong na notice nag anon pag nakikita ko si Simoun. Pero may naaalala ako. Siya din yung crush ni Mae. "May sasabihin din ako" saad ko sa kanila. Natahimik sila habang hinihintay kung ano man ang sasabihin ko. "May gusto ka din kay Dale?" pangkokompirma ni Dorothy "hindi, hindi ko nga kilala yun. Ano kasi yung Mae na kaklase natin may gusto din kay Dale" saad ko sa kanila at napatango tango sila. Pagdating naming sa canteen ay nandoon din yung mga seniors. Nahuli kaagad ng mga mata ko si Simoun na umiinum ng buko juice. "Ayan yan yung crush ni Zenith" Si Dorothy. "Alin diyan?" seryusong saad ko habang nag aabot ng bayad sa binili kong banana cake. "yung kasama nga ni SImoun" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Dorothy. Ang daming kasama ni Simoun. Ewan ko ba kung alin diyan si Dale. "Kita mo yung may hawak ng violet bag?" pagdedescribe ni Zenith ng mas specific. Tiningnan ko kung sino sa kanila ang may violet bag. Okay lang naman. "So nakita mo na?" Si Dorothy Tumango ako habang kumakain. "anong say mo?" si Dorothy. Napatingin ako sa kanila kung anong ibig sabihin nila. "ano, okay lang" saad ko. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin. "yun lang?" si Dorothy "diba gwapo naman siya? Bagay sila ni Zenith" dagdag ni Dorothy. Si Zenith naman ay naghihintay sa kompirmasyon ko. "Oo bagay naman sila" Napatango ako habang tinitingnan si Simoun. May kasama siyang babae, siguro girlfriend niya. "tara"saad ko para bumalik na kami sa classroom. Bago kami bumalik ay nakita niya akong nakatitig sa kaniya. Uminit ang pisnge ko at nagmamadali akong umalis doon. Nauna na akong naglakad kina Dorothy at Zenith. "Okay ka lang?" Saad ni Zenith pag dating namin sa classroom. "ano, kinakabahan ako sa next subject natin" palusot ko. Hindi na siya nagsalita ulit at hinayaan lang ako. Ano ba tong nararamdaman ko bakit may sakit at halong galit ang naramramdaman ko. Nagagwapuhan lang naman ako sa kaniya yun lang yun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD