"Tita," sabi ni Ivette at niyakap si Tita Livian. Nagtataka ako kung bakit siya nandito. Napatingin ako kay Keroz na nakatayo lang at nakatingin din sa akin. Napaiwas ako ng tingin nang lumapit siya sa akin, pero pumunta ako sa kabilang sofa. I don't hate him, pero parang ganun. Kase hindi ko makakalimutan 'yung ginawa niya kanina sa SSG Room. Hindi kami nag-uusap hanggang sa mag-dinner. Pero parang gusto kong kumain na lang mag-isa dahil sa nakikita ko. I feel out of place, kase ang close nina Ivette at Tita Livian. Hindi ko naman pwedeng paalisin si Ivette dahil una sa lahat, hindi ko 'to pamamahay, at asawa lang naman ako sa papel ng tagapagmana ng Villafuerte. "Tita, bakit nandito si Akira? Katulong ba siya?" tanong ni Ivette kay Tita Livian na kumakain. Napatigil si Tita dahil doon

