Namulat ako. Isang madilim na kwarto ang bumungad sa akin. May bintana sa gilid ngunit maliit na sinag ng liwanag lang ang pumapasok sa loob. Nakahinga ako nang maluwag dahil wala naman akong nararamdamang sakit sa katawan. Kinapa ko ang aking sarili. Nag-panic ako at hinanap ang bote sa bulsa. Halos maiyak ako nang nandito pa rin ito sa bulsa ko. “Thank god.“ Bulong ko at pinagsaklop sa aking kamay. Pansin ko na hindi nagbago ang suot ko kaya siguradong hindi niya nakita ang bote. Ibig sabihin, hindi pa rin nabalewala ang dapat kong gagawin. Mapait akong napangiti ng may naalala. The way he stares at me. It's different. Walang emosyon at hindi na katulad ng dati. He's not Drystan that I used to know. Dahil ang nakikita ko ay mapanganib na tao. Napasinghot ako at tumingala. Hindi dapat a

