Kakatapos ko lang mag-half bath kaya busy ako ngayon sa pag-blower ng mahaba kong buhok. Nakasimangot pa ako habang ginagawa ko iyon. Nagulat ako nang pumunta sa gawi ko si Keroz. "Let me," pagkasabi niya iyon, kinuha niya agad ang blower sa kamay ko at pumwesto sa likod ko para iblower ang buhok ko. "Tes cheveux sont jolis comme toi." Napakunot ako sa sinabi niya, pero pinili ko na lang manahimik. Wala akong naintindihan sa sinabi niya, pero naramdaman ko na lang ang dahan-dahan niyang pag-blow dry sa buhok ko. Unti-unti, natuyo na rin ito. Nagpasalamat ako sa kanya, pero lumabas na siya ng kwarto. Binuksan ko muna ang TV at nanood sa Netflix. Masaya akong nanonood habang kumakain ng cookies. Nang maubos iyon, ininom ko na ang gatas ko. Inaantok na rin ako, kaya inayos ko na ang kama

