May kalawakan ang lugar. Sa isang dako ay may pang-disco na ilaw, habang sa kabila ay wala. Karamihan ng tao dito ay kasing edad namin, pero may mga matatanda rin. Napapatingin ang ilang tao sa aming direksyon kaya umiiwas ako ng tingin. Karamihan sa kanila ay mga babae. Tumigil kami sa isang lamesa. Binati si Drystan ng mga tao, pero ako ay nasa likod niya. Tumango lang si Drystan at pinisil ang pagkakahawak sa kamay ko. "It's been a long time," sabi ng isang lalaki na nakablack. Maputi siya at mukhang may lahing Italian. May isa pang lalaki na mukhang Germanian. "Good Evening, kuya," bati ng isang babae na may kulot na buhok, at ngumiti bago kumaway. May katabi siyang dalawang babae na tila nakatingin kay Drystan. Ang isa ay halatang kinikilig. "Oh! You're with someone?" ngisi ng isa

