Kakatapos lang ni Yna sa lahat ng pasyente nang kumatok ang kanyang sekretarya. Akala niya ay may ibibigay itong documento ngunit ibabg klase ang ngiti ang sinalubong nito sa kanya. "What's that, Jess?" nagtatakang tanong niya nang makita ang dala nitong mga supot ng pagkain. May bulaklak pa na galing sa isang sikat na flowershop na hawak nang isang lalaki na nasa labas ng pinto kasunod ni Jess. Bahagyang natulala si Yna dahil sa laki pa naman ng bulaklak at wrong timing ang pagpapadala nito sa kanya. "Doc..Pinapabigay ni.. Sir Moris.." nag-aalangan pa nitong sambit. Saglit na namilog ang mata ni Yna at agad na tinapunan ng tingin ang lalaking kasalukuyan paring nakaupo sa couch niya. Nagbabasa na ito ngayon ng libro tungkol sa negosyo kaya hindi yata nito napansin si Jess. Hindi man

