Nang bitawan ni Vicente ang mga labi ni Yna ay hingal na hingal siya. Nanginginig ang kanyang mga binti dahil sa pinaghalong pagkagulat at pagkadarang. Napahawak siya sa likuran na siyang sinasandalan niya dahil ramdam niyang matutumba siya anumang sandali. "Vicente, this is not right." habol ang hininga niyang sambit at pilit nilalayo ang mukha dahil hinahabol ng lalaki ang mga labi niya. Tumiim naman ang tingin nito bago ngumisi na may halong pagkasarkastiko. "Ang what is right, Yna? Wait for your date to finish with that asshole?" Tumaas ang isang kilay niya at pinagkrus ang mga braso sa ibabaw ng dibdib. Agad naman tumuon ang mata ni Paul sa cleavage niya kaya binaba niya ulit ang kamay at napailing. "May kasama ka ring date diba? We're quits." "Date my ass. She was a fling." m

