Pagkatapos ng mahabang gabi nina Yna at Paul ay nagising na naman si Yna nang tanghali. Wala na siyang kasama sa kama at wala nang bakas na may ginawa silang kababalaghan nang nagdaang gabi. Pati ang mga damit na nagkalat ay wala na siyang nakita sa sahig. Malinis na din ang buong kwarto at masinop ang lahat ng gamit. Bumangon si Yna sa kama at naligo..Baka sa kusina lang si Paul katulad nang palagi nitong ginagawa. Walang pagmamadali siyang nagbihis at pagkatapos ay lumabas ng kwarto at bumaba sa hagdanan. Ngunit napakunot ang noo niya nang walang Paul na nagluluto sa kitchen imbis ay sumalubong kay Yna ang katahimikan. "Paul?" sinubukam niyang tawagin ang pangalan ng lalaki pero walang sumagot..Bagkus ay biglang lumabas ang katulong na galing sa laudry area. "Ay, ma'am..Maaga hong

