Pagising ni Yna ay kulay puting kisame ang nabungaran niya. Medyo mataas ang distansya ng kama niya sa kisame pero tagusan ang tingin doon ni Yna. Nakadipa ang dalawa niyang kamay habang walang kurap ang mata na nakatingin sa taas. Medyo masakit ang kanyang ulo pero hindi iyon ang iniisip ni Yna kundi kung paano siya napunta sa kamang ito. Nakatulog ba siya kagabi habang umiiyak? Sukat sa naalala ay napabalikwas siya ng bangon. God! Nasabi na pala niya kay Vicente ang lahat..Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwalang nakaya niyang sabihin iyon sa lalaki. At inaamin ni Yna na sa loob ng ilang taon ay ngayon lang siya nakatulog ulit ng mahimbing. Walang bangungot na dumating at hindi siya nananaginip sa dilim. Is it because she finally told everything to him? Siguro nga. Sigu

