Nang bitawan ni Paul ang kanyang mga labi ay dumako ang kamay nito sa laylayan ng suot niyang damit. Halos Halos hindi na siya makahinga ng maayos sa sobrang kaba pero wala naman siyang ginagawa para patigilin ang lalaki. Bagkus ay umusog pa siya ng kaunti upang bigyan ito ng maayos na pwesto sa paanan niya. Hindi hadlang kahit maliit na espasyo lang ang kinaroroonan nila. Naniniwala din yata si Paul sa kasabihan na kung gusto maraming paraan kaya walang hirap siya nitong nailipat sa back seat. Mas maluwag doon at mas nakakilos ito ng maayos. Kahit may pagdadalawang isip si Yna dahil sobrang liwanang pa sa labas ay napawi din iyon kagaad nang lamukusin ulit siya ni Paul ng halik. Walang inhibisyon naman niya iyong tinugon at mas pinalalim pa ang halikan nila. Wala na siyang pakialam ka

