Maraming salamat sa paghatid ate ah!" pasasalamat sa kan'ya ni Joan nang bumaba ito sa kan'yang kotse. Inihatid niya ang babae sa address na sinasabi nito. Ang bagong klinika ni Dr. Richie Young, na siya ring doktor niya noon. " You're welcome.Just give me a call kung may kailangan ka ha? I'm just a call away.Good bye and good luck! See you later!" masaya niyang wika sa babae.Sa totoo lang ay magaan ang loob niya rito simula pa noong siya pa si Amaiah. Ramdam niya ang pagiging tunay na tao ni Joan, 'yung hindi ito mapagkunwaring tao. Kumaway pa ito sa kan'ya bago tuluyang umalis papunta sa loob. Tanaw niya mula sa malayo kung saan ito pumasok. Tadhana na siguro ang nagbibigay ng pagkakataon upang muli niyang makita ang Doktor na iyon. Sisiguraduhin niyang makukuha na niya ang kasagutang

