"Ate, may nagpapabigay po!" wika ng isa niyang tauhan habang iniaabot sa kan'ya ang isang bouquet ng pulang rosas. Ngumiti lamang siya sa lalaking tauhan niya nang inabot nito ang kumpol na rosas sa kan'ya. Binasa niya ang card na nakasabit . " Have a wonderful day, Serene" mahina niyang bigkas sa salitang nakasulat sa card. Sumilay ang ngiti niya sa labi, naalala niya ang magandang simula para sa kanila ni Liam. Kahapon , naging maganda ang usapan nila habang magkasama sila at nagmamasid sa magandang tanawin na umano'y laging pinupuntahan ng lalake. Inamoy niya ang halimuyak ng bulaklak. Naalala niya ang sinabi kahapon ni Liam sa kan'ya. Halos madurog ang puso niya sa nalaman mula rito. " Alam kong malaki ang kasalanan ko sa asawa ko.HIndi ako naging tapat at habang buhay ko iyong

