Nakahiga na siya sa kama nang makarinig ng sunod sunod na katok sa pintuan ng apartment niya. Tumayo siya at sumilip sa bintana at nakita si Liam na nakatayo sa harap ng pinto niya. "Amy... Buksan mo'to! H-hindi ako aalis hanggang 'di mo' to binubuksan!" utos sa kan'ya ng lalake. Sumandal siya sa pintuan. Kung hindi niya papasukin ang lalake ay baka maaabutan na naman ito ni Claime at baka magpapatayan na naman ang dalawa. Bumunting hininga na muna siya bago pinagbuksan ng pinto ang lalake. " Thanks, Amy!" Wika nito sabay yakap ng mahigpit sa kan'ya. "Liam... Ano ka ba? Ba't ka nandito? Hindi ba't sinabi ko na sa'yo na umiwas ka na muna?" " Gusto kitang makasama, Amy. Hindi na'ko makatiis pa. Gusto kitang angkinin... Gusto kong iparamdam sa'yo kung gaano kita kamahal!" Hinalikan

