Mabilis ang mga lakad niya pabalik sa kan'yang snack house. Hawak niya ang kan'yang dibdib. Bakit ganun na lamang ang t***k ng kan'yang puso nang makaharap ang isa sa may-ari ng resorts at hotel ng isla? Binalewala na lamang niya ang kakaibang pakiramdam na iyon pero hindi maalis sa kan'ya ang klase ng titig na ibinigay nito sa kan'ya. Did they meet somewhere altready? Busy masyado ang mga tauhan niya sa snack house dahil maraming bumibili ng buko halo-halo sa oras na iyon. Kapag ganito kainit ang panahon ay nauubos ang paninda nila. Tumulong na siya sa pag serve sa mga parukyano. Alas tres ng hapon ng humupa na ang mga tao, naghanda na rin siya para sa pag-uwi niya dahil bukas ay magsisimula na rin sila sa pagtinda ng barbecue tuwing gabi. Ang sabi ng isang tauhan niya ay may fashion

